Bullet Twenty Two

3.6K 146 26
                                    

Chief

One week later...

Tinitigan ko lang ang gravestone niya. Somehow, nalulungkot ako na wala na siya. May parte sakin na gusto pa siyang makasama ng matagal.

"Da," Bumalik ako sa realidad nang hawakan ni Logan ang balikat ko. "alis na tayo?"

"Sige, mauna na kayo." Sabi ko at binigyan siya ng malungkot na ngiti.

"Mahal ka namin, Da." He kissed my cheek.

I chuckled softly. "Alam ko."

Nagpaalam na si Logan at nilapitan na sina Xavi na naghihintay sa tabi ng van ng agency. Kumaway sina Misty, Xavi at Koko sakin at kumaway din naman ako bago sila makapasok sa loob.

Bumuntong hininga ako bago bumaba para makalevel ko nang kaunti ang gravestone.

"Ipagdadasal ko na sana sa langit ka pupunta." Ngumiti ako bago pinatong yung bulaklak na hawak ko sa gravestone niya.

Tumayo na ako at tiningnan ulit ito.

MARKUS V. RHODES
May you rest in peace
From your daughter, Dakota and RCIA.

I sighed before turning around. Naglakad na ako papunta sa pinakamamahal kong kotse at pumasok sa loob. Binuhay ko na ang makina at nagdrive palabas sa sementeryo.

Dumaan muna ako sa palengkeng pinagbibilhan ko ng mga masasarp na prutas. Bumilis ako ng tatlong mansanas, isang bunch ng grapes and bananas and konteng orange.

"Balik ka, Da, ha?" Nakangiting sabi ni Aling Ermani.

I giggled. "Opo, Aling Ermani. Sige po, mauna na po ako. Thank you po!" Kumaway ako bago pumasok sa kotse ko at nagmaneho papunta sa hospital.

*****

"Hi, ex." Expressionless kong sabi nang maisara ko na ang pinto ng kwarto niya.

"Muff, naman. Totoo ba talaga yun?" Ngumuso siya nang maibaba niya yung librong binabasa niya at pinatong yun sa tiyan niya. Hindi niya inalis yung eyeglasses niya.

"Uh, yeah. Totoo yun." Sabi ko bago pinatong yung basket na naglalaman ng mga prutas sa lamesa.

We broke up. I broke up with him. Hello? Trinaydor niya ako? Muntik akong mapahamak nang dahil sa kanya.

"Mahal mo pa rin ako, diba?" Sabi niya. Nilingon ko siya at nakitang nakanguso pa rin siya.

"Stop pouting, Caden. Mukha kang inidoro." Umirap ako bago hiniwa yung mansanas. Ayaw niya kasing kainin ito ng buo, mas gusto niyang hinihiwa ito.

"Dakota," He said. "hindi totoong naghiwalay tayo, diba?"

"Totoo yon, Caden! Kairita ka naman eh, lagi mo yang tinatanong kapag bumibisita ako dito." Sabi ko bago pinatong ang mga hiwang mansanas sa paper plate.

Pinunasan ko ang kamay ko bago kinuha yung mansanas at nilapitan siya. Umusog siya nang kaunte para makaupo ako sa gilid niya. Agad niya namang niyakap ang bewang ko at dinikit ang kanyang noo sa thigh ko. Pumikit siya at nagsalita na parang bata habang niyuyogyog ako.

"Dakota naman eh! Sorry na kasi! Ginawa ko yun dahil gusto kong malaman ang plano ng Red Guns! Maniwala ka kung sabihin kong mahal kita! Hindi ba sinabi mong pinagkakatiwalaan mo ako? Anong nangyari dun, oy?! Hindi naman ikaw yung trinaydor ko, kundi yung Red Guns! Huhuhu, please forgive me and be my girlfriend again!" Kinuha niya ang kamay ko at hinalik halikan ito.

"Heh!" Agad kong binawi ang kamay ko at nilayo ang mukha niya sakin. "palusot ka pa."

"Totoo naman talaga yung mga sinabi ko!" Mukhang paiyak na siya oh. Gusto kon tumawa ng malakas.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon