Bullet One

9.4K 276 66
                                    

Partner

Tunog lang ng heels ko ang naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa office ni chief. Tahimik kasi dito sa hallway ng floor niya, alangan, wala namang tao.

Nang makarating na ako sa tapat ng pinto niya,  huminga ako ng malalim at pumikit. Hinawakan ko ng mahigpit yung folder na naglalaman ng resignation letter ko.

Bumuga ako ng hangin bago kumatok.

Tumunog yung maliit na speaker sa gilid ng pinto. Dito kasi siya magsasalita at sasabihan ka na pumasok at wag pumasok.

"Sino yan?"

"Si Dakota, Chief."

"Oh, sige. Pumasok ka."

Kinagat ko ang labi ko bago binuksan ang pinto. Pagkapasok ko, nabigla ako nang makitang may lalaking nakatayo sa tapat ni Chief. Nakatalikod siya sakin dahil nakaharap siya sa desk ni Chief.

"Chief?" Sabi ko.

Napalingon yung lalaki sakin, si Chief naman ay napatingin sakin.

"Oh, Dakota! Mabuti naman at pumunta ka dito. May gusto akong ipakilala sayo." Sabi ni Chief.

This guy is familiar as hell. Galing ata to sa isang mayaman na pamilya. He's tall and absolutely gorgeous. Nakasuot siya ng skinny jeans at black longsleeves. Nakavans at nakashades din.

Napansin kong suot niya ang necklace ng agency namin. Wait, what the hell? He works here too? Bat ngayon ko lang siya nakita?

"Her?" Sabi nung lalaki kay Chief.

"Yes, her. Siya yung sinasabi ko." Nakangising sabi ni Chief.

"What? Are you backstabbing me?" I raised an eyebrow.

Binabackstab pala ako ng mga gagong to. Eh kung barilin ko kaya silang dalawa sa lungs?

Chief chuckled. "Of course not, Dakota."

"Eh bat niya sinabi 'her?'"

"Because you'll be working with him in one mission, Dakota."

"What?!" Pano ako makakapagresign? May isa pa akong mission? Fucking shit!

"Yes, girl," Humalakhak si Chief. "Dakota, meet Caden Lacson."

****

Nandito kami sa desks namin, nakaupo ako sa swivel chair ko. Itong dalawang gunggong naman ay nakatayo habang tinatawanan ako.

"I swear, Logan, kung di ka tatahimik I will fucking rip your balls." Banta ko sa kanya habang nililinisan ang baril ko.

Humalakhak ulit siya. "Sorry na, sobrang nakakatawa kasi dahil hindi natuloy ang pagresign mo."

"Dahil may mission ka pa," Tumawa si Xavi. "see? Ayaw ni Lord na iwan mo kami."

"Tss, after naman nito magreresign na talaga ako." Umirap ako.

"Pipigilan ka namin." Kumindat si Xavi.

"Wag mo nalang kasi kaming iwan! Tsaka kung aalis ka, wala nang gagawa ng kape para samin." Ngumuso si Logan.

Hinampas ko ang thigh niya. "Gago! Mabuti nga yon eh, ang lalaki niyo na pero tamad pa rin."

Tumawa si Xavi bago kinuha yung swivel chair sa tabi ko at umupo don. "Pero sabi nila may partner ka daw."

"Oo nga daw eh, akala ko kami magiging partners in crime mo." Madramang nilagay ni Logan ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.

Binagsak ko ang baril ko sa lamesa ko. "Yun na nga yung ayaw ko eh! Binigyan pa ako ng partner ni Chief! I want to work alone!"

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon