Bullet Twenty One

2.9K 130 18
                                    

I know

"C-Caden...kasabwat ka ni Chief?"

Sana nag-iimagine lang ako na si Caden to. Sana hindi totoo tong nakikita ko. Sana.

Inangat niya ang kanyang tingin, nang magtama ang aming mga mata ay tumulo ang aking mga luha.

May mga tauhan pa si Chief na mula sa Red Guns ang pumasok sa agency at tumayo sa likuran ni Caden.

The man that I love the most betrayed me.

"Now, now, Dakota. Wag kang magalit kay Caden, ako naman ang nagpilit kay Caden na sumali sa Red Guns. I paid him a big amount of money, that's why. Sino ba namang makakatanggi sa isang milyon, diba?" Chief chuckled.

"You chose money over me?!" I yelled, nag-iwas lang siya ng tingin. Tumingin ako kay Chief, umuusok na ang ulo ko sa galit. "pano mo nakayanang traydorin ang sarili mong agency?! Ikaw ang nagsimula nito! Ikaw ang lumikha sa mga agents na nagmula dito!"

"Ang Red Guns talaga ang priority ko, Dakota. Kumbaga sa relasyon, kabit ko lang ito." He smirked.

"Fuck you!" Sinubukan ko siyang lapitan para suntukin pero hinawakan kaagad ako sa braso nung lalaki sa likuran ko.

"Wag mo naman pagsalitaan ng ganyan ang tatay mo, Dakota." Nakangisi niyang sabi.

Natigil ako sa paggalaw. Bumilis ang tibok ng puso ko. "A-Anong...sinabi mo?"

"I'm your father, Dakota." Linapitan niya ako.

"Ikaw? Panong ikaw?!" Liar! Hindi ako naniniwalang siya ang ama ko!

"Nalasing kaming dalawa ng nanay mo. Hindi ko alam kung anong rason ng kanyang pagkalasing ng gabing yon, nagpakalasing ako dahil pinatay niya ang mga kasamahan ko. I hated your mother. Hindi ko alam kung bat siya pa ang ina ng anak ko." Bago pa siya makasalita ulit ay inunahan ko na siya.

"But you killed her, right?" I cried.

"Pano mo naman nalaman yan?" He frowned.

Kinuha ko yung papel tungkol sa Red Guns na nakaipit sa belt ko at tinapon yun papunta sa paanan niya. Pinulot niya yun at tiningnan.

"You killed my mother! You even killed my little brother!" Brandon. My poor little brother. Kahit hindi ko siya totoong kapatid, mahal na mahal ko yun. Inampon lang namin siya ni Mama.

"That was an accident! Ang nanay mo lang ang dapat mamatay!"

"Bakit kailangan mong patayin ang nanay ko?! Alam mong siya ang ina ng anak mo!"

"Huli ko nang nalaman na anak kita! Nung nagttrain ka palang, nakikita ko ang nanay mo sayo. Ang ugali, mukha at ang pakikipaglaban. Chineck ko ang file mo at nakitang Torres ka at dun ka nakatira sa bahay ni Feliziah Torres noon," Tumikhim siya. "maraming nagsabi na kamukha kita. Alam kong nabuntis ang nanay mo pero hindi ko alam na ako pala ang nakabuntis sa nanay mo."

Patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Napakawalanghiya mo. Wala akong pakielam sa rason mo! You killed my brother and my mother! Sila nalang yung meron ako! Hinding hindi kita matatanggap bilang ama! Ang nanay at kapatid ko ang rason kung bakit ako pumasok sa mundong ito! Para hanapin ang pumatay sa kanila at ipaghiganti sila! And, finally, nahanap ko rin pero ang taong yun ay ang tatay ko." Huminga ako ng malalim at yumuko. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.

"Dakota." He said.

"Papatayin mo ba ako?" Nakayuko pa rin ako.

"What do you think?"

Tumawa ako ng peke. Inangat ko ang aking ulo at napatingin kay Caden. Seryoso ang kanyang tingin sakin. Naningkot ang kanyang mga mata, parang may gusto siyang sabihin sakin.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon