Bullet Eleven

3.6K 149 46
                                    

Sign

After three days..

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa lalagyan ng ash ni Caden.

Kanina pang umiiyak si Tita Jill, kahit si Tito Chris ay umiiyak na rin. Bukas pa makakarating si Jenesis dahil nagkaproblema ang eroplano niya.

Oo, katawan nga talaga ni Caden yun. Yung agency na ang kumuha ng katawan ni Caden sa Marco Polo. Dito siya sa Manila ililibing, yun ang request ni Tito Chris.

Pinalabas naming nahulog ang sasakyan ni Caden sa ilog. Hinulog talaga namin yung kotse niya sa ilog at pinakuha lang para maniwala ang mga Lacson. Pinacremate naman nila ang katawan ni Caden.

Yes, ligtas ako. Matapos akong bugbogin ng mga hayop na yun at ipinatapon lang ako sa kung saan, hindi ko na alam kung sino ang nakahanap sakin at binalik sa agency namin sa Davao.

Nagtataka lang ako dahil hindi nila ako pinatay kahit may pagkakataon na sila. Si Caden lang ang pinatay nila, hindi ako.

Bakit? Yan ang tanong ko. At dahil hindi ako pinatay ng mga hayop na yun, hahanapin ko sila at papatayin ng dahan dahan. Para kay Caden.

"Dakota..." Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Tita Jill.

Agad akong tumingin sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. "Tita.." Kinakabahan ako, what if galit sila sakin? Ako ang kasama ni Caden sa Davao eh.

"Dakota, pasensiya ka na kung iniwan ka ng basta basta ng anak ko. Pasensiya ka na," She cried. Niyakap ko si Tita at hinayaan siyang umiyak. "ako nalang yung humihingi ng paumanhin."

"Tita, kahit masakit, tatanggapin ko nalang. Tatanggapin ko nalang na wala na talaga siya. Wala na si Caden." I bit my lip, pinipigilan kong umiyak ulit.

"Alam mo ba," Sabi niya bago humiwalay sakin. Ngumiti siya ng malungkot at pinunasan ang luha niya. "alam mo bang lagi ka niyang minimention kapag nag-uusap kami sa Skype or sa phone? Lagi niyang sinasabi sakin na gustong gusto ka raw niya. Lagi niyang sinasabi sakin na ikaw lang daw ang gusto niyang makasama palagi. Kahit hindi niya sinabi sakin, alam kong mahal ka na nung anak ko, at sana, mahal mo rin siya."

Napayuko ako at mas lalong naiyak sa sinabi ni Tita Jill. Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko.

Ang sakit. Nawalan na nga ako ng ama, ina at kapatid, nawalan pa ako ng lalaking mamahalin.

****

"Wala ka naman sigurong balak uminom, diba?" Tanong ni Xavi sakin habang nililigpit ko yung mga gamit ni Caden sa desk niya.

"Bat naman ako iinom?" Tanong ko.

"Eh diba umiinom yung mga heartbroken? Nagpapakalasing, ganon." Sabi niya sabay inom dun sa alak niya.

"Hindi ako heartbroken," Sabi ko. "eh ikaw? Bat ka umiinom? Heartbroken?"

He chuckled. "Naubusan na kasi ng juice eh, ito nalang yung natira."

Napatingim naman ako sa alak na hawak niya. Kinagat ko ang labi ko, I missed drinking alcohol.

"Fuck it." Sabi ko sabay agaw nung alak niya at ininom.

Pumikit ako at hinayaang salubungin ng lalamunan ko ang alak. It felt so good. Parang pinapatay ng alak yung mga masasamang bagay sa loob ng katawan ko. Sana nga pati yung puso ko eh.

Binalik ko na sa kanya ang alak at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"You okay?" He asked.

"Of course I'm okay." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagliligpit.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon