Bullet Two

5.2K 222 38
                                    

Catch

Nakabalik na rin kami sa headquarters ng ligtas. Antok na antok na si Xavi kaya agad siyang nakatulog sa meeting room, nakabukas pa yung bibig.

"Chief, pwede bang ngayon ko nalang ihatid yung mga ninakaw ni McNeil? Gising na gising pa kasi yung diwa ko eh." Sabi ko.

Hindi ko alam kung bat hindi pa ako dinadalaw ng antok, dapat nga antukin na ako kasi nakakapagod yung mission namin. Tsaka, hindi ako natulog kaninang hapon.

"Sige, isama mo na si Caden." Sabi ni Chief habang may papel na binabasa.

"At, bakit?" I raised an eyebrow while crossing my arm.

"Is there a problem, Ms. Torres?" Sabi ni Chief bago ako tiningnan. "magsasama naman kayo ng ilang buwan ni Caden sa Davao kaya wala naman sigurong masama kung magsasama kayo ngayong gabi." Sabi niya.

I sighed. "Hindi ba pwedeng isavor ko muna yung mga natitirang oras na hindi ko pa makakasama ang lalaking yon?"

"What seems to be the problem with Mr. Lacson, Ms. Torres? He's a good man and a very well trained agent. For sure magkakasundo lang kayo dahil kasing-galing mo lang siya." Sabi ni Chief habang nakatingin sa papel na hawak niya.

"Chief, nakakairita kasi siya. I don't like his background either." I rolled my eyes.

"You don't need to like his background, Dakota. I need your skills to compromise with his skills for this mission, yun lang."

"Fine," Inis kong sabi. "pero, Chief, kapag ako sumabog sa lalaking to, papalitan mo to ha?"

He chuckled. "Hay, nako. Sige na, umalis na kayo para makauwi na kayo at makapagpahinga para sa flight niyo bukas."

"Okay, Chief." Sabi ko bago tumalikod sa kanya at naglakad papunta sa pinto.

Lalabas na sana ako nang magsalita siya ulit.

"Oh, and Dakota?"

"Po?" Sabi ko sabay lingon.

"Take care of yourself, don't get hurt nor killed. Do you understand?" Seryosong sabi ni Chief.

I nodded. "Yes, Chief."

*****

"Maybe, gusto tayo ni Chief para sa isa't isa kaya pinasama niya ako sayo." Biglang sabi ni Caden.

Ako ang nagmamaneho dahil gamit namin ang kotse ko, yung itim na Montero Sport.

Hindi nalang ako nagsalita dahil baka masapak ko lang ang lalaking to.

"Tss, ayan ka nanaman. Hindi mo nanaman ako pinapansin." Inis niyang sabi.

"Tumahimik ka nalang kasi." Inis ko ring sabi.

"Psh," Padabog siyang sumandal sa upuan. "babaeng to, nakukuhang matiis ang charms ko."

"Meron ka ba nun?" I teased.

Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang phone niya, kinuha niya ito mula sa bulsa niya. Narinig ko siyang nagmura ng mahina nang makita niya yung caller.

"Issa," Mariin niyang sabi. "busy ako, wala akong time makipagkarera sayo.....rematch? No....wag kang makulit....wag mo na akong tatawagan." Inis niyang binalik sa bulsa niya yung cellphone niya.

I cleared my throat. "Race car driver ka pala?"

"You can say that." Sabi niya.

"Eh pano ka naabot dito sa agency?"

"Hobby ko lang ang pagkikipagkarera, ito talaga ang gusto kong trabaho."

"Anong agency ka galing noon?" Tanong ko bago hininto ang sasakyan dahil nakakulay pula na yung stoplight.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon