Bullet Twenty

2.9K 124 23
                                    

Envelope

Halos umalis na sa katawan ko yung kaluluwa ko nang may magsalita sa likuran ko.

Dahan dahan akong lumingon, nakahinga ako ng maluwag nang makita si Xavi.

"Xav...ikaw lang pala." I sighed.

"Anong ginagawa mo?" Kunot noo niyang tanong bago lumapit sakin.

"Uh...wala. Hinahanap ko lang ang...file ni Caden." Umakto akong nalungkot.

He sighed. "Bakit mo naman ginagawa yan? You're hurting yourself."

"Namimiss ko na kasi siya," Sabi ko. "ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Naglalakad lakad lang ako dito sa agency, bored ako eh. Pagdating ko dito sa hallway na ito, nakita kong nakabukas ng konte yung pinto ng files room kaya heto." He shrugged.

"Wala ka bang mission?" Tanong ko habang inaayos yung files na nagulo ko.

"Wala, mamayang gabi pa. Ikaw?" He asked.

"May on going pa." Sabi ko.

"Pinagpapatuloy mo pa rin yun?" He frowned.

"I have to. Nasimulan na eh, kailangang tapusin." I sighed.

"Oh, sige. Alis muna ako, kakain kami ni Ko..." Tumigil siya sa pagsasalita. Tinaasan ko siya ng kilay at namula naman siya.

I grinned. "You're dating na?"

"Hindi! Kakain lang kami sa labas, dating agad?" Nag-iwas siya ng tingin, pula pa rin ang kanyang mga pisngi.

"Muling ibalik ba? Ano, liligawan mo ulit?" I teased.

"Hindi....siguro...ay hindi! Pero...hay," He sighed. "oo, gusto ko pa rin ang babaeng yun. Hindi ko alam kung papayagan niya akong manligaw ulit."

"Wag mo lang gaguhin, papayag yan. Ikaw pa? Malakas ka diyan." I playfully punched his cheek.

"Thank you, Da." He hugged me and I hugged him back.

"Mag-iingat kayo, ah?"

"Opo, ikaw rin. Bye, Da. Love you!" He kissed my cheek.

"Love you." I smiled. He waved before leaving.

Dali dali kong nilock ang pinto at nagpatuloy sa paghahanap. Umupo ako sa sahig at naghanap sa mga cabinet na nasa ibaba. Tumulo ang pawis ko at agad ko itong pinunasan. Ang init dito, wala kasing electric fan o aircon dito.

I groaned before standing up. Ano, Dakota? Suko ka na?

Nag-inat ako at nagcringe nang tumunog ang buto ko. Tumatanda na ba ako?

Habang nag-iinat ako, napatingin ako sa sahig sa corner. May maliit na parang papel na nakatago sa ilalim ng lamesa. Kumunot ang noo ko at unti unti itong nilapitan. Kinuha ko yun mula sa sahig.

My eyes widened. Envelope yun at iba siya sa mga envelopes at folders na nandito sa files room. Maalikabok din siya.

Pinagpag ko ang alikabok ng maayos. Ito na kaya ang hinahanap ko?

Bubuksan ko na sana nang may biglang kumatok sa pinto. Nabitawan ko sa gulat ang envelope.

"May tao ba diyan?"

Sinipa ko papunta sa ilalim yung envelope para hindi makita. Inayos ko ang sarili ko bago binuksan ang pinto.

Isang staff lang pala. "Hi, uh, sorry. May hinahanap lang ako."

"Ay, Agent Torres ikaw pala. Ano yung hinahanap mo? Ako nalang ang maghahanap." He offered.

"Ah, hindi na. Hindi naman ganon kaimportante," Liar. "mauna na ako."

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon