Bullet Seventeen

2.8K 163 86
                                    

Warning: short and lame update.

______

Stay away

Habang papalapit siya sakin ay sumakit ulit ang ulo ko. Napapikit ako sa sakit. Hindi ko ito mahawakan dahil nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuang inuupuan ko.

"Caden.." I whispered.

Dinilat ko ang aking mga mata, blurry na ang paningin ko. Hindi ko na makita ng maayos ang mukha ni Caden.

Nang huminto siya sa harapan ko ay kumurap kurap ako.

"Caden!"

"Anong Caden?" Sabi niya. "hindi ako si Caden."

Kumunot ang noo ko. Unti unting luminaw ang paningin ko. Napagtanto kong hindi pala si Caden ang lalaking pumasok.

Tumulo ang mga luha ko kaya yumuko ako. Dahil siguro sa kakaisip ko na buhay at sasagipin ako ni Caden ay inimagine kong siya yung lalaking pumasok. 

"Dakota Torres," Sabi ng lalaki. Inangat ko ang aking ulo para matingnan siya. "I'm Trent Espiraz. Welcome to our hideout."

"So, ikaw ang boss nila?" Sabi ko na may sarkastikong ngisi sa mukha ko.

Ngumisi din siya. "Nope."

I frowned. "Hindi ikaw?" Puta, sino ba kasi!

"You'll know later. Papunta na si bossing," Sabi niya bago kumuha ng upuan at umupo sa tapat ko. "masakit pa rin ba ang ulo mo?"

Tumango nalang ako mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag nagsasalita ako.

"Snipe, kumuha ka ng biogesic at tubig dun sa kwarto. Bilis." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko.

"Pucha, ako nanaman." Ginulo ni Snipe ang kanyang buhok.

"Nagrereklamo ka?" Sinamaan siya ng tingin ni Trent.

"Hindi po, Kuya." Umirap si Snipe bago umalis.

Kuya? Magkapatid siguro silang dalawa.

"May iba pa bang masakit sayo?" Taas kilay niyang tanong sakin.

"Ano naman sayo yun?" I raised an eyebrow.

"Utos ni bossing sakin ay siguraduhing hindi ka nasaktan o ano." Sabi niya bago humalukipkip at sumandal sa upuan.

Mas lalo pa akong nacurious sa boss nila. Hindi ko mapigilang kabahan habang hinihintay namin yung boss nila.

Pinainom na ako ni Trent ng gamot. Siya ang humawak sa tubig dahil nakatali ang mga kamay ko. Ayaw nila akong bitawan dahil alam nilang tatakas ako.

Pinag-aralan nga talaga nila ako, marami silang alam tungkol sakin. Kahit yung mga maliliit kong kagamitan sa mga bulsa ko ay alam nila. Pinatong nila ang mga armas ko sa isang lamesa dun sa dulo. Lahat ng armas ko, nandun.

Habang naghihintay kami ay nakatitig lang sakin si Trent. Naaawkwardan nga ako kaya yumuyuko nalang ako.

Yes, I admit it. He's gorgeous, tall and very intimidating. He looks dangerous too.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin dun. Parang piniga ang puso ko nang makita ang boss nila.

"How are you, Dakota?" Tanong niya habang naglalakad palapit sakin. Tumayo si Trent at binigay ang kanyang upuan sa boss nila. "are you okay?"

"Bakit....ikaw..." Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa pagkagulat. "Mist...Misty.."

****

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon