Bullet Fourteen

3.2K 115 11
                                    

Tattoo

"Haba ng hair!" Sabi ni Kourtney sabay batok sakin. "landi mo."

"Gago, bat ako?" Umirap ako.

"Mashado kang bitter, Koko." Tumawa si Misty.

"Kasi naman tong si Dakotiti eh," Tumawa si Kourtney. "ganda mo talaga, bhe. Nagkacrush kaagad sayo yun."

I frowned at her. "Hindi ako crush nun."

"Wushu!" Ngumisi si Misty.

"Hampas ko kaya sayo tong sandok?" Umirap si Kourtney. "hindi pa ba obvious?"

"Tumahimik ka," Sabi ko sabay agaw ng sandok mula kay Kourtney. "bat ka ba nagluluto? Hindi ka naman marunong."

Nandito kami sa condo ko, nagluluto ng Chicken Marsala para kay Xavi. Isa itong Italian-American dish at paboritong paborito to ni Xavi. May lahing Italyano din naman si Xavi dahil Italian ang Mama niya.

"Aba, bastos to ah!" Binatukan ako ni Kourtney. "marunong naman akong magluto ah."

"Oo, itlog tsaka hotdog lang," Tumawa si Misty. "Da, tapos na. Nahalo ko na tong flour, salt, pepper and oregano."

"Thanks, Mist," Sabi ko sabay kuha nung bowl na naglalaman ng mga nakahalong ingredients. "oh eto, Koko. Basahin at sundin mo lang tong nasa cook book, okay?" Sabi ko sabay abot nung cook book sa kanya pati na rin nung bowl.

Pumutla naman siya. "H-Hindi ako marunong magluto, diba?"

"Marunong kang magbasa, diba?" Sabi ko at tumango naman siya. Sinamaan ko siya ng tingin. "yun naman pala eh! Edi sundin mo lang yung nasa libro! Pambihira ka naman eh, akala ko ba gusto mong makipagfriends kay Xavi? Lutuan mo siya!"

Tumawa ng malakas si Misty. "Ayiiee, makipagfriends o makipagbalikan?"

"Mga hayop!" Kinurot niya kaming dalawa ni Misty. "fine! Ako nang magluluto, susundin ko lang tong nasa cook book. Kapag naging maayos ang resulta, gagawin niyo ang lahat ng gusto ko sa isang araw. G?"

Ngumisi kami ni Misty. "G." Sabay naming sabi.

****

"Pucha, ano to?! Tae ng baka?!" Malakas na sigaw ni Misty mula sa kusina.

Kakatapos ko lang maligo at palabas na ako sa kwarto ko nang marinig ko ang sigaw ni Misty. Napangisi ako habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya ko.

See? Hindi niya talaga kayang magluto nang mag-isa. Buti nalang at marami pang ingredients ang natira at marami pang manok ang naiwan.

Actually, may party naman si Xavi mamayang gabi pero naisipan namin na regaluhan siya ng paborito niyang pagkain. Dapat kasali si Logan dito kaso nagkamission siya eh tas mamayang gabi pa siya matatapos. At least, makakapunta siya sa party.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kusina. Napamura ako nang makaamoy ako ng mabahong pagkain. Agad ko namang tinakpan ang ilong ko gamit ang tuwalya na nakapatong sa balikat ko.

Nilapitan ko sina Misty at Kourtney na nasa may stove. Pinatay ni Misty yung stove at inalis yung pan dun.

"Tsk," Sabi ni Misty bago inalis yung kamay niya sa kanyang ilong. "wala na talagang pag-asa yang cooking skills mo."

Ngumuso si Kourtney. "Sabi kasi dito sa cook book, 55 minutes daw pero bat ganito ang kinalabasan?"

Tiningnan ko naman yung cook book. Agad ko siyang pinalo ng sandok nang marealize ko ang katangahan niya. "Idiot! Kasi sa maling page ka nakatingin! Sa Chicken Cacciatore ka kasi nakatingin eh, Chicken Marsala yung lulutuin natin!"

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon