Bullet Three

4.6K 185 59
                                    

Possessive

Nag-inat ako nang makaland na ang eroplano ni Caden sa airport ng Davao City.

Nang makatigil na talaga ang eroplano ay tumayo na kami ni Caden. Hindi kami magkatabi kahit gusto niya, ayoko eh.

Kinuha ko na yung maleta ko mula sa itaas ng upuan ko. Binaba ko yun at inayos ang buhok ko.

8:40 am kami nakarating dito sa Davao and I really need to sleep. Ang laki na ng eyebags ko.

Bumaba na kami sa eroplano, pagkababa ko ay nakita kong hinihintay na kami ng isang itim na Ford Ranger.

Kay Caden ba to? Wow ah, Ford Ranger din sa Manila, Ford Ranger din sa Davao. Ang yaman.

"Halika na." Sabi niya mula sa likuran ko. Nauna na siyang naglakad papunta sa kotse. Nilagay niya ang gamit niya sa likuran ng kotse, lumapit siya sakin at kinuha ang maleta ko at nilagay din sa likod.

Naglakad siya papunta sa shotgun seat at binuksan yung pinto bago tumingin sakin.

Inayos niya yung shades niya bago nagsalita. "Baka gusto mong kargahin pa kita palapit dito?"

I rolled my eyes at him. Sinuot ko na yung shades ko at naglakad papunta sa pinto, inalalayan niya nanaman ako sa pagsakay ko at sinara ang pinto.

Umikot na siya at sumakay sa driver's seat, bumusina siya bago nagdrive paalis dito sa airport.

"So, san tayo magsstay?" I asked.

"Meron nang bahay na napili ang agency sa subdivision na napili ko. Kakain muna tayo ng breakfast, magpapahinga tas pag-usapan na natin ang mission. Okay?"

"Okay." I nodded.

*****

Maganda yung bahay na napili ng agency para samin. Hindi siya ganon kalaki pero hindi naman ganon kaliit.

"Bat ito yung napili mong subdivision?" I asked while looking around.

"Hindi kasi siya ganon kasikat dito at maraming tao. Mabuti na yung nasa crowded na subdivision tayo para mahirap matunton," Sabi niya. "nasa taas ang mga kwarto, you can choose your own room." Sabi niya sabay nguso sa hagdan.

Tumango naman ako bago kinuha yung maleta ko. Hindi ko na kailangan ng tulong niya sa pag-akyat ng maleta ko dahil kaya ko naman.

Nang makarating kami sa second floor ay may dalawang kwarto sa dulo na magkaharap.

Una kong binuksan yung nasa left. Malaki siya, dark yung kulay ng buong kwarto. Tama lang yung laki ng kama, maganda rin yung banyo. Chineck ko rin yung sa right at halos pareho lang ito sa left room but mas bet ko. Ito ang pinili kong kwarto.

"Magsshower lang ako then I'll cook breakfast." Sabi niya bago binuksan yung kwarto niya. Yung kwarto sa left yung kwarto niya.

"You cook?" Gulat kong sabi.

Tumigil siya, humarap sakin at tinaasan ako ng kilay. "Of course. Why? Hindi ba obvious sa itsura ko?"

"Uh, no. Parang isa ka sa mga lalaking laging nagpapadeliver or laging kumakain sa labas." I shrugged.

He rolled his eyes. "Well, I'm not." Sabi niya sabay pasok sa kwarto niyabat binagsakan ako ng pinto.

Wow ha! Ang sama, punyeta.

Inis akong pumasok sa kwarto ko at binagsak din ang pinto.

Pinahiga ko na yung maleta ko sa sahig at binuksan. Lumapit ako dun sa closet at kinuha yung mga hanger, nilagay ko sa mga hanger yung mga damit na ayokong makunot at yung iba ay tinupi ko nalang. Pinasok ko na ang mga damit ko sa closet.

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon