Bullet Four

4.4K 187 57
                                    

Obvious

I'm on my period. Kaya naman pala! Ang dali kong magalit at mairita kanina sa bahay ni Tita Lisa.

Well, after akong landiin ni Caden ay tinulak ko siya at pumasok muli sa bahay para tapusin ang pagkain ko. Sayang naman.

Agad din akong nagpaalam kay Tita Lisa nang matapos ako, sinabi ko lang na masakit ang puson ko. Iniwan ko si Caden dun at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi.

20 minutes na ang nakalipas simula nung matapos at makauwi ako. Don't tell me kumakain pa rin yon? If I know, nilalandi ulit ng tarantadong yun si Katya.

Kinginang Katya.

Nakapajamas na ako at nilagay ko na sa laundry box ni Caden yung shirt na ginamit ko. Gusto ko sanang punitin pero sayang naman.

Nakahiga ako dito sa sofa habang nanunuod ng palabas sa tv. Hindi ko siya hinihintay, nanunuod lang ako ng tv. Meron namang tv sa kwarto ko pero mas bet ko dito.

Chineck ko ang relo ko at nakitang 9 pm na. Psh, wala akong pake kung nasan siya.

Mayamaya pa ay narinig kong may bumusina sa labas. Tumayo ako at sinilip kung sino yon. Kotse ni Caden ang nakita ko at pinapark niya yung kotse niya sa garahe namin.

What the hell? San siya galing? Bat ginamit niya ang kotse niya? Hinatid niya ba yung kinginang Katya na yon?!

Argh! Wala akong pake! Kahit ihatid niya lahat nang babae dun sa party kanina, wala akong pake!

Inis kong binagsak ang sarili ko sa sofa at niyakap yung unan.

Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto. Nakita kong sinara niya na ito nang makapasok siya at nilock.

Nang humarap na siya sakin ay agad kong nilipat ang mga mata ko sa tv.

"Oh, Dakota. Nandito ka pala." He said. Tiningnan ko siya at parang may tinatago siya sa likuran niya.

Umupo ako at tinaasan siya ng kilay. "What is that?" Sabi ko.

"Nothing." He grinned.

"Ano yan, Caden?" Mariin kong sabi.

"Wala nga kasi."

"Anong wala?! Obvious kaya na may hinahawakan ka diyan sa likuran mo!" Inis kong sabi.

"Oh, chill! Galit ka nanaman," Tumawa siya kaya napairap ako. "bukas ko pa sana ibibigay to, pagkagising mo kaso mapilit ka eh. Here." Lumapit siya sakin at inabot yung red rose na may card na nakadikit sa stem nito.

"Para san to?" I asked. Kinuha ko yun mula sa kanya at binasa yung card.

A single red rose shows love.

Sorry kung nagselos ka samin ni Katya kanina. Kahit hindi mo aminin, alam kong nagseselos ka.

Don't worry, Dakota. I got my eyes on you.

Caden.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, nakangisi lang naman siya sakin. "I'm not jealous, idiot."

"Yes, you are," He smirked. "sorry na, peace na tayo. Plith?"

Plith? What the heck? Umirap ako bago tumango. "Fine."

"Fine lang?" He pouted.

"Anong gusto mong sabihin ko? Okay na tayo, babe! Halika, landian na tayo. Ganon?" Pilosopo kong sabi.

Pinatong niya ang mga kamay niya sa sofa at nilapit ang mukha sakin. "Pwede din." He smiled.

Tinulak ko ng mahina ang mukha niya. "You wish," I rolled my eyes. "uh, thank you nga pala dito. Hindi mo naman kailangang gawin to."

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon