Bullet Twenty Four

Start from the beginning
                                    

"Pake mo ba? Tiyan mo to?" Bwisit kong sabi.

Hindi siya sumagot at nagbuntong hininga nalang. Sus, ready na sana akong makipag-away.

Uminit ang ulo ko nang makitang ipaparada niya ang sasakyan sa harap ng isang kainan.

"We're here." Sabi niya bago pinatay ang makina.

"Ano ba! Sabi ko hindi ako--.."

"Kanina ko pang naririnig ang tiyan mo," Umirap siya bago inalis ang seatbelt niya. "wait here." Sabi niya bago bumaba.

Agad kong hinampas ang tiyan ko. "Bat ka ba nagrereklamo?" Inis kong sabi dito.

Sakto namang binuksan niya yung pinto ko. Naglahad ulit siya ng kamay pero di ko nanaman ito tinanggap. Nauna na akong pumasok at binati nung waitress.

"Goodmorning po, Ma'am. Table for two?"

Table for one lang. "Yes, please." Sabi ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko, aalisin ko na sana ito nang higpitan niya pa ang pagkakahawak niya sakin at inilapit ako sa kanya. "Subukan mong magpahard to get sakin, bubuntisin na kita mamaya pag-uwi."

I immediately pushed him away from me, he smirked. "Bastos!"

Nang makaupo na kami ay agad kaming binigyan ng menu nung waitress. Naghanap ako ng pagkaing swak sa tiyan ko at agad na sinabi yun sa waitress. Nang makuha na ng waitress yung mga order namin ay umalis na siya.

Tiningnan ko si Caden, nang ngumiti siya sakin ay inirapan ko siya.

"Bat ka ba galit sakin? Anong nagawa ko?" Malambing niyang tanong sakin.

Err, wag ka ngang magsalita in a malambing tone! Pag ako bumigay. "Ay, hindi mo pala alam yung rason?" Sarkastiko kong sabi.

"Ano yun?" Kunot noo niyang tanong.

"It's about my gown. Napakapakeelamero mo, hindi naman ikaw yung magsusuot ng gown ko. Pinayagan na kita sa slit tas pati ba naman yung sa likuran?" Gigil kong sabi.

"Really? Galit ka dahil dun?" He asked at tumango ako. Eto na, nafifeel kong mag-aaway na kami. "sorry, Muff." He smiled.

Nalaglag ang panga ko. Ano?! Bakit hindi niya ako inaway?! Naguguluhan ako! Usually, inaaway niya rin ako eh! "H-Huh?"

"I know you're on your period," He chuckled. "I'll be patient with you."

Nakanganga pa rin ako ng bahagya dahil sa mga sinabi ni Caden. Pano niya nalamang piniperiod ako?

"P-Pano mo..." Namula ako. Nahiya ako bigla! Napakabitch ko sa kanya tas napakalambing niya pa rin!

"Natagusan yung kama natin," He laughed at mas lalong namula ang mukha ko. "don't worry, napalitan ko na yung sheets."

"Caden," Bumuntong hininga ako. "Muff, I'm sorry."

"No, Muff. It's o--.."

"Hindi talaga. I'm really sorry for being a bitch." Kinagat ko ang labi ko.

"Muff, you're not a bitch. And, I fully understand you." He winked.

Lord, thank you dahil binigyan mo ako ng lalaking makakaintindi sakin.

"I love you."

"I know." He smiled and I smiled back.

Dumating na rin ang pagkain namin. Kumuha ako ng hand sanitizer sa bag ko at nilagyan ang mga kamay namin bago kumain.

Nauna akong kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. "Mhm." Sabi ko habang ngumunguya.

"Di raw gutom." Umirap siya at umirap din ako.

Love & BulletsWhere stories live. Discover now