Special Chapter

Mulai dari awal
                                    

"Huh? Ano 'yon Dong?"

"Nothing wife.. tara na" hinawakan nito ang mga kamay ko at sabay kaming naglakad palapit sa may falls.

"Wow Dong tara ligo tayo diyan.."

"Nah.." tanggi nito.

"Hindi ba safe diyan?"

"It's safe.."

"Iyon naman pala eh, ligo tayo Edwardo. Sige na.. pleaseee" pamimilit ko dito.

"You can't swim wife.."

"Hindi naman ako lalangoy eh, doon lang ako sa may gi.."

"No." Putol nito sa'kin.

Napanguso ako at inirapan ito.

Narinig ko ang pagbugtong-hininga nito.

"You know how much I love you and I can give you anything, everything to make you happy. But this.. I'm sorry wife.. I'm so scared that I.."

"Sorry Dong.." napakagat-labi ako. Yumakap ako nito.

"Nah.. I'm sorry wife.."

"Hindi Dong, dapat ako ang magsorry sayo."

Narinig ko ang pagtawa nito at hinila na ako palayo sa may talon.

Bumalik na kami sa bahay niya. Oo bahay niya talaga. Akalain mo 'yon, may bahay siya dito sa Jalai Island at siya lang ata may bahay dito, kasi iyong iba nasa may hotel, eh si Edwardo lang ata ang malakas sa may-ari nitong Island.

"Take some rest wife.." sabi ni Edwardo nang makapasok kami sa loob ng bahay niya.

Tumango ako dito. Nagpaalam itong maghahanda ng pananghalian namin. Pinili kong mahiga muna sa may sofa.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa paglilibot-libot namin ng asawa ko.




Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong makita kundi puti sa buong paligid ko. Tumingin-tumingin ako sa paligid at umaasa akong may makita ng kahit na ano.

"Nasaan ba ako? Te..teka Edwardo?"

May nakita akong taong nakatalikod sa'kin at sigurado akong si Edwardo 'yon.

Nag-umpisa itong maglakad kaya naalarma ako.

"Dong teka! Hintayin mo ako!"

Naglalakad lang ito habang ako tumatakbo kaya sobrang nagtataka ako kung bakit hindi ko man lang siya maabut-abutan.

Nakita kong pumasok siya sa may pulang pinto.

"Edwardo.."

Parang sumama ang loob ko nang hindi niya ako nilingon man lang.

Napaatras ako nang biglang lumitaw sa may harapan ko ang pulang pinto.

"Edwardo nan..nandyan ka ba?"

Hinawakan ko ang hawakan ng pintuan at dahan-dahan ko itong binuksan. Wala akong makita sa loob, kaya nagpasya akong pumasok sa may loob.

Pagkapasok ko palang biglang sumarado ang pinto kaya napatalon ako. Pagtingin ko sa paligid puros salamin na ang nakikita ko. Nawala na rin 'yong pintuan sa may likuran ko. Luminga-linga ako sa paligid, tanging repleksyon ko lang ang mga nakikita ko sa may salamin.

Pero napatigil ang mata ko sa isa sa mga repleksyon ko sa salamin, tanging ito lang may umbok sa may tiyan. Napahawak ako sa tiyan ko.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang