79.5 'THE BIG SURPRISED'

4K 44 15
                                    






~~~~~~*




"Salamat kuya. Akala ko masama ka din katulad ng lalaki yung matangkad. Tsk akala mo kung sinong pogi" - naiinis na sabi ko. Tumingin ako sa lalaking naka jacket na may hood at may maskara pa habang tinatanggal nya ang tali sa mga paa ko

"Okay" - tipid na sagot lang nito. Napaawang ang bibig ko dahil dun. Seriously yun lang ang sinabi nya

"Bakit ba kayo naka maskara ha? May maskara festival ba? O baka naman undas na kaya naka ganyan kayo. Shit hindi ako na orient ha." - dagdag ko pa at napailing na lang dahil ang weird saka kung kanina lang ay natatakot ako pero ngayon ay parang gumaan ang pakiramdam ko sa kanila

"Pwede bang tumahimik ka, napaka ingay mo" - reklamo nya kaya sinamaan ko sya ng tingin pero bumaling ang mata nya saakin kaya naman ngumiti ako ng malapad sa kanya kasi baka di nya ako pakawalan at hindi ko magawa ang plano ko

"Pasensya na kuya. Tapos ka naba? Natatae na din kasi ako eh! Oh God ito na lalabas na talaga kuya" - natataranta kong sabi at kunyari ay umasim ang mukha ko dahil naka tingin sya saakin

Proooooottttttttt......

Isang malakas ang narinig namin ni kuya na pag sabog ng utot. Gosh! Nakita kong nanlaki ang mata nya sabay takip ng ilong

"Putaena kababae mong tao ang lakas mong umutot. Taena dinaig mo pa ako" - aniya habang naka takip parin ang bibig nito

"Tss. Parang utot lang saka hoy walang amoy yan oh! Hindi kaba umuutot ha?"

"Kadiri makalayas na nga"

"Whatever" - sigaw ko at napangiti dahil sa wakas tagumpay ang plano ko dahil ngayon tatakas ako. Ang tagal ko kayang mag pigil kanina kaya nilamutak kona agad ang chocolate para dagdag hangin saka malay ko ba na ganon kalakas ang tunog nun.

Ang ganda ngang pakinggan dahil parang torotot hahaha. Pero teka naalala ko ang boses ng lalaking yun dahil parang pamilyar. Tss! Hindi naman siguro dahil malayo naman sa ugali

Sa wakas ay tumayo na ako pag katapos kong haplusin ang mga paa ko dahil sa higpit ng pesteng tali na yun. Agad akong nag tungo sa cr dito at nag isip kung paano tatakasan sila dahil pakiramdam ko may mga kasama pa ito sa loob kaya dapat ay mag ingat ako

"Ugh! Walang pumasok sa utak. Pesteng utot yun nailabas ko tuloy pati utak ko hmp"

Lumabas na din naman ako sa cr at dahan dahan ginala ang mata ko sa kwartong ito pero walang tao kaya dahan dahan akong humakbang hanggang sa nakatapat kona ang pinto palabas. Pinihit ko ang door knob dahil medyo hindi ko ito mabuksan kaya inikot ikot ko, kinalikot ko, hinaplos ko ng hinaplos kahit na nadudulas ito sa kamay ko, paulit ulit kong tinaas baba, masyado ng dumudulas kaya naman binilisan ko ang pag taas baba at pag ikot saka kalikot nito hanggang sa labasan na nga sya. Ay peste! hanggang sa mabuksan ko na pala. Ugh! Lecheng utak ito napakalibog talaga hmp.

Marahan kong onting onti binuksan ang pinto at tumingin ako sa bawat paligid at himala walang tao. Nilabas ko pa ang ulo ko na halos maging giraff na nga dahil nag kanda haba haba na ito

"Walang tao, makakalabas na rin ako" - nakangiting sabi ko at lumabas na ako sa kwarto pero syempre kelangan kong maging maingat dahil baka mamaya mahuli ako. Sayang naman ang inipon kong utot kung mag papahuli lang ako

Inikot ko ang paningin ko at medyo nahilo pa dahil shit ang laki pala nito at ang daming pinto. Sa totoo lang ang ganda dito para syang hindi abandonadong gusali dahil ang ganda as in

"Ayts! Mamaya na ang pantasya" - naiilang na sabi ko at nag lakad na ako patakbo ng diretso.

Tumakbo na ako dahil gusto ko ng makalabas ng peste at lecheng gusaling ito pero paano kung sa sobrang laki nito ay mahihirapan ako

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon