#55 (=^_^=)

3.4K 37 2
                                    






~~~~~* BLAZEN POV..






Pinag masdan ko ang magandang mukha ng dalagang nasa harapan ko ngayon habang mahimbing ang tulog nito saaking kama. Napangiti ako pero agad din napawi ng maalala ko ang itsura nya kanina habang basang basa ng luha ang kanyang maamong mukha. Alam kong sobra syang nasaktan at mas doble pa nga ngayon dahil kitang kita at rinig na rinig nya ang mga pinag sasabi nila troian at paris ganon din ako dahil nandon ako simula ng tumayo si fritzie para uminom ng tubig

* FLASHBACK *

Inantay ko lang makaalis ng kaonti si fritzie ng mag tungo ito sa kusina. Bumuntong hininga muna ako saka tumayo ng walang reaksyon

"Sir saan punta nyo po?" - tanong saakin ni fhey habang naka sandal narin ang ulo nito sa sofa

Actually lahat kami dito ay sabog na dahil sa alak na ininom namin at halo halo ito kaya kitang kita ko sa kanila na lango na sila sa alak. Mabuti na lang ako ay hindi gaanong nakainom dahil binabantayan ko si fritzie kaya medyo nag alala ako dahil alam kong tinamaan na sya ng alak

"May tatawagan lang. Babalik ako" - pag sisinungaling ko at tumango naman sya habang ngiting ngiti kaya dali dali akong nag lakad pero syempre hindi ako dumaan sa dinaanan ni fritzie kanina dahil umikot ako. Napag tanto ko kasi kanina ng mauna akong pumunta ay may isa pang pinto papunta sa kusina at pag pasok sa kusina ay mau pinto ulit dun at nandon ang isang bodega na puro lumang kagamitan lang ang nakalagay dun

Nang makaikot ako ay dahan dahan akong nag lakad saka pumasok na sa pintuan ng kusina. Nakita ko pang kakabalik lang ni fritzie ng pitcher sa ref. kaya nag tago agad ako sa dingding saka sinilip sya ng kaonti. Nangunot ang noo kong tumigil si fritzie ng tatalikod na sana dahil nakarinig sya ng ingay mula sa isang pinto na bukas maski ako ay nakarinig din pero hindi ingay kundi isang ungol ng babae kaya kinabahan agad ako

Sinasabi ko na nga ba. Manlolokong troian talaga napaka walang hiya dahil dito pa sila gumawa ng milagro tsk.

Buong mukha ko ay nakasilip na sa likuran ni fritzie at nag salita pa sya saka sya dahan dahan nag lakad hanggang sa mabuksan nya nga ng kaonti ang pinto. Kitang kita ko ang pag kakagulat ni fritzie sa mukha nya dahil bahagyang nakatagilid sya saakin. Naawa ako dahil alam ko kung ano yung nakikita nya mas lalong masakit para sa kanya dahil ang kasintahan nya ay nakikipag talik sa ibang babae lalo na naging kaibigan nya pa ito noon

Nangilid ang luha ni fritzie habang diretso itong nakatingin sa walang tigil na ungol dahil sa naririnig namin. Medyo nairita ako at hindi nagustuhan ang naririnig ko ngayon kaya mag lalakad na sana ako papunta kay fritzie kaya lang napatigil ako ng biglang yumukom ang dalawang kamay niya at nag igting pa nga agad sya. Ang maamong mukha nya ay naging isang nakakatakot na nilalang kung baga sa isang anghel na magandang pag masdan ay napalitan ng isang demonyo na hindi mo nanaisin gustong makita ang itsura nya dahil sa nakakatakot ito

Narinig kong nag salita si fritzie. Sa bawat pag ka bigkas nya ay may diin at galit kaya kinabahan ako at lalo na ng susugod sya kaya dali dali akong nag lakad at pumunta sa gawi nya hanggang sa mahawakan ko sya. Gulat na gulat sya ng makita ako pero ako ang mas nagulat dahil pulang pula ang ilong at ang mga mata nito na natabunan pa ng mga luha nya na walang tigil ang pag patak

"B-Blazen" - utal nyang sabi habang umiiyak at nag pupumiglas sya pero mas lalong hinawakan ko sya at bigla ko na lang sya niyakap dahil alam kong nasasaktan na sya tapos ngayon gugustuhin nya pang makita ang ginagawa ng dalawa

Mas lalo syang humagulgol ng yakapin ko ito at nagulat na lang ako ng biglang mawalan sya ng malay kaya napa mura ako at kinabahan muli dahil naalala ko yung sinaksak sya at nawalan din sya ng malay nun

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon