#1 (=^_^=)

31.7K 216 5
                                    

~~~~~*

"Fritzie" - napalingon ako sa lakas ng boses ng isang dalaga, hayss lagi na lang nya pini-paging yung maganda kong pangalan

Nandito kasi kami sa school, pababa na para mag lunch at nauna ako sa kanila dahil sobrang bagal nila mag lakad

Kasing bagal ng pagong jusko!
Tapos ngayon hahabol habol sila sakin (o_O)

"Hey fritzie? Nakakainis ka ang bilis mo mag lakad" - si hillary yan isa sa mga beshie ko

~~*
Hillary maurer / hillary isnabera - maganda din naman sexy, model type, maputi na mapink pink ang balat, matalino minsan nga lang kasi boba din at syempre hindi plastic, walang lovelife yan yun lang ang mashaklap sa kanya (^_^) paano isnabera nga kasi at isip bata pa, minsan impakta pa.. ~~*

"Teka nga beshie! Bat ba ng iiwan ka nanaman?" - jusko nag salita ang ang hindi ng iiwan. Yan naman si paris

~~~*
Paris atlantica / paris laitera - ang ganda ng name nu? Nasa paris ang name nya pero ang surname nasa atlantica (^_o) maganda din naman katulad ni hillary pero mas angat ako!!!! Sexy, famewhore, mabait sa mabait, plastic sa plastic, palaban samin tatlo at laitera sobra kaya bago ka pa lang mag salita sa kanya back off na! Tagusan yan kung tumira.. ~~*

"Sabing wait lang eh!" - hinila nya ang hibla ng maganda kong buhok kaya napahinto ako ng wala sa oras, buset!!!!

"WHAT?" - sigaw ko sa kanila kaya naman ang mga tae este tao sa paligid napatingin saakin magandang mukha *Oops*

"Putspa yan bunganga mo fritzie, kahit kelan nakakahiya ka pag sumisigaw! Agaw eksena teh"

"Aba! Kayo tong tawag ng tawag sa maganda kong pangalan eh! What do you want ha?" - nag lakad ako ng mabagal at naramdaman ko naman sumunod sila. Good dog haha

"Iiiiieehhhh" - nagulat ako sa tili ni hillary. Buset na tili yan, tili ba talaga yan parang bakla buset

"Ano ba hillary, nakakagulat ka umayos ka nga" - batok ko sa kanya nabasag tuloy ear drum ko dun pati tutuli ko sa tenga *Oops as if naman meron*

Ang ganda ko kaya para mag karoon ng tutuli ewww o_O meron kasi dyan ibang babae maganda nga pero hindi malinis sa katawan yuck!!!!

"Sorry naman mga beshie" - inakbayan nya kami habang nag lalakad. Hayss para tuloy kaming tanga dito dahil sa kanya

"Ano ba yun?"

"Guess who?" - nakangisi nyang sabi at tumingin samin

"Guess who your face, ano nga pwede tell us kung ano yun"

"Eh kasi bumalik na sila" - aba ang gaga nag papadyak pa ng paa na parang bata, parang hindi isnabera ah! Sabagay samin kasi hindi sya isnabera naku subukan nya lang ng masapok sya

"Tss! Sino?" - walang gana kong sabi

"Edi yun the red roses, iiiieehhh" - tili nanaman nya pero kami lang yung nakarinig

"Pweh! Yung mga baklang yun? Dapat dina sila bumalik" - tinaasan nya lang ng kilay si hillary at naunang nag lakad samin

"Eto naman parang keropi, hindi kaya sila bakla. Laitera ka talaga" - pag mamaktol nya, hayss di bagay sa kanya yung isnabera mukha syang impakta

"Paris right, hillary. and as if we care? Edi dun ka sumama" - sinamaan ko sya ng tingin kaya ayun tumupi

"Ang sama nyo talaga. Basta kenekeleg ako pero syempre dahil sa isnabera ako i-oOn ko ulit yung mode ko"

"Daming dada ng bunganga mo hillary, lets go ng makakain na at baka ma late pa tayo. Mag aapoy nanaman yung tikbalang na prof natin" - blankong sabi nya habang patuloy na nag lalakad kami

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon