#42 (=^_^=)

3.5K 33 3
                                    


~~~~~~*


Dalawang araw na kami ni troian dito at sobrang saya dahil napawi lahat ng pagod ko at pati na rin ang stressed ko dahil sa pag aaral at konting kembot na lang ay gagraduate na kami yeheyy

\ d ^__^ b /

Nag lalakad kami ni troian sa tabi ng dagat habang hinihintay namin bumaba ang sunset dahil hapon na din kaya nag lakad lakad muna kami habang mag kahawak ng kamay

Nagulat na lang ako ng biglang hatakin ni troian ang kamay ko papunta sa gitna ng dagat. Nag salubong ang kilay ko at pilit na kumakawala sa kanya dahil ayoko pang mag babad dahil malamig at hindi ako sanay sa soot ko na naka spaghetti strap lang at short lang, dapat naka swimsuit dahil dun ako mas komportable hindi sa ganitong soot ugh!

Tuluyan na ngang nabasa ang paa ko paakyat sa binti at hita din namin ni troian. Tinabunan nya ako ng tubig sa mukha kaya agad akong napa face palm dahil dun. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngisian lang ako ng lalaking ito at muling tatabuan nya ako ng tubig pero yumuko ako at gumanti din sa kanya

Para kaming mga bata na nag lalaro sa simpleng dalampasigan habang nag hahampasan ng tubig. Basang basa na kami ni troian na ngayon ay kitang kita ko ang bakat nyang dibdib dahil sa manipis at puti nyang sando habang ang pang ibaba nya ay boardshort na hanggang hita lang nya at may bumubukol dun kaya nag iwas ako ng tingin dahil uminit ang pisngi ko

Tumakbo ako bahagya kahit nahihirapan dahil sa tubig pero sinubukan ko parin lumayo ng kaonti sa kanya habang tinatapon nya saakin ang tubig sa likuran ko.

"Yari ka saakin baby." - habol saakin ni troian at malapit na sya sa likuran ko

Tumakbo ako papunta sa mga buhangin at ilan step na lang ay makakatapak na dapat ako sa buhangin ng biglang yakapin ako ni troian sa likod at binuhat nya ako habang umiikot kami.

Puno ng tawanan kami habang buhat buhat nya at patuloy na sa pag ikot. Muli nanaman nya ako dinala sa dagat kaya ramdam na ramdam ko ang tubig saakin dibdib habang nakakapit parin sya sa likuran ko

"I love you." - paulit ulit nyang aniya mula pa kahapon at hanggang ngayon

Tumindig ang balahibo ko ng ilagay nya ang mukha nya sa balikat ko at napa singhap sya don na agad kong ikinang hina dahil natunaw ako sa ginawa nya

"I love you too" - sagot ko at hinawakan ang dalawang kamay nyang nakapulupot sa tyan ko at pinag siklop ko ito

Naramdaman kong ngumisi si troian sa balikat ko. Binaba nya na ako mula sa pag kakabuhat nya at hinarap nya ako sa kanya na biglang naging seryoso ang mukha pero may bahid ng ngiti ang mga labi nya

"Masaya ako ngayon dahil kasama ko ang babaeng matagal ko ng nililigawan at minamahal kaya lang binusted ako NOON. Pero ngayon ay binigyan muli ako ng CHANCE kaya hindi ko iyon sinayang. I'm so thankful baby that you came into my life, you are my only love fritzie, you are my weakness but also my strenght. I love you every seconds, every minutes, every hours, every days, every weeks, every month, every years and FOREVER baby. I love you so much fritzie ann curtain" - mahabang sabi nya habang seryoso at hinahaplos ang pisngi ko kaya hindi ko mapigilan pumikit

Nakaramdam ako ng saya sa puso ko dahil sa sinabi nya. This is the first time i heard from him ugh! Gusto ko syang yakapin at halikan pero dahil sa pabebe ako ay aantayin ko sya ang unang gumawa nun haha ^__^

Dinilat ko ang mga mata ko at ngumiti ng matamis sa kanya. Hinawakan nya ang mag kabilang pisngi ko saka nya pinag dikit ang aming noo. Halos hindi ako makahinga dahil ang lapit ng mukha saakin at konti na lang ay mahahalikan nanaman nya ako

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon