#32 (=^_^=)

4K 34 1
                                    


.
~~~~~* BLAZEN POV..

Kanina pa ako naka tayo dito at kitang kita ko kung ano ang ginagawa ni fritzie ngayon. Halos pigilan ko na nga yung tawa ko dahil sa ginagawa nya habang kumakanta

Nandyan yung kukunin nya yung mikropono at tatayo sya para kumanta tapos pag nasa middle na ay bigla syang aakyat sa lamesa para dun kumanta haha. Ibang klaseng babae talaga sya pag katapos umakyat ay kakanta ulit nandyan pa yung itataas nya yung kamay nya at tatalon na akala mo nasa party

Alam kong may tama na sya ng alak dahil sa ginagawa nya nakita ko pa nga kanina na ubos na yung alak nya tapos tinungga nya parin saka tinuktok kung meron pa haha. Ang nakakatawa lang bigla syang nalungkot at ginawa nyang spin the bottle ang boteng hawak nya at kunyari may kausap sya haha ^__^

Para syang ewan na hindi malaman but all in all she's pretty cool haha ^__^ gustong gusto ko sya puntahan ngayon pero pinipigilan ko muna dahil inaantay ko na mismo sya ang tumawag saakin para sunduin sya

Pero kung hindi nya magawa ako na mismo ang pupunta ngayon sa gawi nya para Sunduin at ihatid sya ngayon. Pero sa ngayon hayaan ko muna sya mag saya kahit mag isa lang sya alam kong nasaktan at nahiya sya dahil sa sinabi ni troian

Kahit siguro ako maiinis din kung ganon yung sinabi lalo na dinagdagan pa ng mga usasera/usasero tsk tsk kawawang fritzie

Napabuntong hininga na lang ako habang tutok na tutok parin sa panonood sa kanya. Napapangiti at napapangiwi naman ako sa bawat galaw nya lalo na nung kinanta nya yung FAME haha halos matawa ako at the same time naaakit din dahil ang smooth kung gumiling at sumayaw talagang nilalagyan nya ng with feelings

"Hi sir uhm kanina pa po kayo dyan. hindi po ba kayo papasok para samahan po ang girlfriend nyo sir?" - tanong ng isang babae at patingin tingin samin dalawa ni fritzie

Girlfriend?

Haha sana nga girlfriend ko na lang sya edi sana hindi sya mag kakaganito dahil sa lalaking yun.

"Ha? Mamaya na lang siguro miss dahil may hinihintay pa ako" - palusot kp at tipid na ngumiti sa kanya. Tumango sya at umalis din agad

Flashback *~~~~~~

Medyo nainis ako dahil binabaan ako ng phone ni fritzie kaya ang ginawa ko ay pinaharurot ko yung motor ko at nauna ako sa kanila ng kaonti dahil alam ko na kung saan sya pupunta.

Hindi ko pwedeng pabayaan ang babaeng gusto ko kaya kahit na binabaan nya man ako ay kelangan ko syang protektahan lalo na pasado alas otso na at ganyan pa ang soot nya. Nakakatakot dahil ang lakas ng loob nyang sumakay sa taxi na mag isa habang naka dress at ngayon pupunta sa the black bar tsk tsk -____-

Pinark ko ang motor ko at nag lakad papunta sa gilid lang ng bungad ng the black bar at hinihintay dumating si fritzie. Habang hinhintay sya ay nilabas ko ang phone ko at nakita ko ang missed call at text ni fritzie

Binuksan ko ito at napangiti ako dahil masyado syang choosy. Medyo wierd talaga ang mga babae dahil hindi mo talaga maiintindihan yung mga ugali nila haha.

Maya maya pa ay nakita ko na nga si fritzie bumaba sa taxi at tumingin pa sa kabuoan ng bar bago pumasok ito. Sinundan ko lang muna sya ng tingin bago ako sumunod sa kanya

Nakita ko din na kinakausap nya ang isang babaeng nasa counter at sumunod sya paakyat sa taas. Hinintay ko muna bumalik ang babaeng kasama ni fritzie bago ako tuluyan pumasok at mag tanong sa kanya

"Hi sir good evening what can i do for you?" - bati at tanong saakin ng dalawang babae habang ngiting ngiti

"Hi. Pwede mag tanong? Yung babae kakapunta lang dito uhm tatanong ko lang kasi kung anong room or nasaan sya ngayon at ano ang ginagawa nya" - ngumiti muna ako at nag salita nakita ko pa ang hagikgik nila habang nag sasalita ako kaya medyo kumunot noo ko

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon