#70 'ANG PAGHAHARAP'

3.3K 39 2
                                    


~~~~~~*

Halos mabaliw ako kakaisip kung bakit hindi nila sinabi saakin kung ano ang ngyari sa school at kung bakit natanggal si blazen. Laging sinasabi ay okay lang at maayos....pero f*ck....maayos ba ang lahat lalo na kung may natanggal na professor?

Nag pasya ako na puntahan si blazen sa condo nya para masagot ang mga tanong sa utak ko. Kaya pala, kaya pala ni minsan ay wala akong narerecieve na text at tawag kay blazen tapos naka deactivate pa ang facebook nya -___-

Siguro galit sya kasi pinatalsik sya ng may ari ng school dahil saakin pero kung ganon......

"Sh*t hindi kaya n-nalaman din kaya nila mama na may ugnayan kami ni blazen? OhmyGosh h-hindi pwede" - nalalaking mata kong sabi at umiling. Napahilamos ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya binilisan ko ang lakad ko at sumakay sa taxi

Troian calling......

Ugh! Wala akong panahon sayo troian. Sinapak mo ang mahal ko kaya pag nag kita tayo sasapakin di kita. Nakakainis >__<

"Kuya dito na lang salamat" - sabi ko at inabot ang bayad. Nag madali akong bumaba ng taxi at nag lakad na papasok sa condo saka tinungo ang unit ni blazen

Pumasok ako sa elevator, napatingin pa saakin ang babae na para bang nagulat kaya nangunot ang noo ko

* ting *

Agad akong lumabas at binilisan ko pa lalo ang lakad ko. Kinakabahan ako dahil almost one month kaming hindi nag kita. Hindi ko alam kung okay ba sya kung ano na ang ngyari sa kanya matapos syang patalsikin. Nababahala ako na baka galit din sya pero alam kung hindi ganon si blazen

Hinanda ko ang sarili ko ng nasa tapat na ako ng unit nya. Inayos ang buhok at nag wisik muli ng kaonting perfume na gustong gusto ni blazen. Huminga muna ng malalim dahil ang lakas ng kabog sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit ganon, siguro dahil ngayon lang kami ulit mag kikita

"How i miss him so much" - bulong ko sa sarili ko. Pinag laruan ko ang aking daliri at napakagat pa dahil kinakabahan talaga ako. Ng naging okay na ako ay saka ko pinihit ang door knob gamit ang susi na binigay saakin ni blazen noon

Dahan dahan ang pag bukas ko na para bang may nanakawin ako sa loob dahil sa sobrang maingat. Huminga muli ako ng malalim at bumuga ng walang ingay saka ko ito nilock ang pinto ng marahan

Hahakbang na sana ako ng may bigla akong narinig na nag uusap at nag taka ako dahil boses ni blazen yun at ang isa....

"Sh*t....si annika? Anong gibagawa nya dito" - napamura ako ng mahina ng marinig ang boses nya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil may kung anong tumama sa puso ko pero sinikap ko parin ihakbang ang paa ko kahit na nanginginig ako

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kwarto ni blazen na nakabukas ng kaonti. Napapamura ako sa isip ko at nag wawala ang puso ko dahil sa kaba. Sumilip ako ng bahagya at nilapit ang mukha sa nakaawang na pinto hanggang sa narinig ko silang nag uusap at mukhang nag tatalo pa

"Pero blazen wala na si fritzie at diba sinabi ko sayo na hindi ka na nun mahal dahil si troian na ang gusto nya."

"Pwede ba annika umalis ka na lang." - pag tataboy nya at bahagyang tinulak si annika

"What? Ganon na lang yun ha. Matapos kang iwan ni fritzie, ipatalsik sa school at bantaan ni troian at ng kuya nyang si jersey ganon na lang ha. Ako ang sumalo sayo sa oras na malungkot ka at nag iisa blazen at sa oras na nahihirapan ka. Ako ang nag alaga sayo dahil parang mamamatay kana that time dahil iniwan ka ng babaeng yun at look simula ng mangyari yun ano na pala mo? Diba wala dahil nilayo ng magulang ni fritzie ang anak nila sayo dahil sa relasyon nyo" - sigaw ni annika. Nangunot ang noo ko sa sinabi nya lalo na ng banggitin nya ang pangalan ni kuya. Anong meron?

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon