76 '5 YEARS AGO'

4K 33 6
                                    




~~~~~~*




"I'll go ahead guys. Thank you for making me happy especially this day" - masayang sabi ko. Pag dating ko kasi kanina sa office ay nasurprise ako dahil ngayon ay birthday ko kaya hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari ngayon

"Your always welcome bebe jingle. Oh paano ba yan mauna na din kami ah! Lasing na ako eh hahaha" - sabi ni ayna

"Lasing?" - sagot naman ni eliza

"Hahaha na lasing sya sa tubig hahaha diba bebe ayna hahaha. Ang slow mo talaga baklang eliza" - singit naman ni ashley

"Tsk akala ko sa alak haha oo nga ang slow ko talaga" - natatawang sabi ni eliza

"Matagal na eliza...alis na kami bebe jingle, see you on monday" - sabay halik ni ashley sa pisngi ko maging si eliza at ayna din saka sila nag wave ng kamay bilang paalam

"Bye" - sabi ko hanggang sa nakita kong sumakay na din sila ng kotse ni ayna. Umalis na rin ako at nag lakad papuntasa kotseng naka park at sinalampak ko agad ang katawan ko dun saka napasandal ng ulo

Nakakapagod ngayon araw na ito at mabuti na lang hindi ganon karaming papers ang trinabaho ko kanina kasama sila.
Sinimulan ko ng buksan ang kotse saka ko ito pinaandar ng medyo mabilis para makarating agad sa bahay at maya maya lang ay nakarating na nga ako kaya pinark ko ang kotse sa loob ng gate saka ako lumabas at nag lakad papasok sa bahay

Naamoy ko agad ang bango at galing iyon sa kusina kaya nag mamadaling nag lakad ako dito pero bago yun ay halos itapon ko na ang bag kong dala sa sofa. Nag lakad ako hanggang sa marating kona nga ang kusina

"OhmyGod mama ang sarap naman ng niluluto mo" - manghang sabi ko habang tinitignan ang paghalo ni mama dito

"Syempre anak para hindi kayo mag hanap ng ibang putahe"

"Hahaha si mama talaga. Buti na lang nakauwi ako ng maaga"

"Kaya nga anak. Teka hindi mo ba nakita si zen?" - sabi ni mama at napatingin ito saakin. Bahagyang inayos nya pa ang salamin nya

"Ay oo nga pala. Maiwan ko na kayo dyan ma hahaha" - natatawang sabi ko at nag wave lang sya ng kamay. Dali dali muli akong nag lakad palayo sa kusina kahit na hinahatak ako dun dahil sa bango ng pagkain na niluluto ni mama

"Zen" - tawag ko. Humakbang na ako sa hagdan at nag tungo sa kwarto nya. Papasok na sana ako pero nakarinig ako ng munting mga tawa kaya napangiti rin ako




"Ugh! Your so madaya daddy hmmp"

"Why baby. Hahaha natalo kita kaya dapat ikiss mo si daddy"

"Hmp ayaw! Madaya ka eh sumbong kita kay mommy"

"Hahaha sShhh baby. Baka marinig ka nya"

"I don't care daddy. I'm hungry, can we eat dad?"

"Ofcourse baby. Let just wait your mom okay"

"Eeeerrrr nagugutom na talaga ako eh"



Napaka arte nya talaga kaya pinihit kona ang door saka ko dahan dahan binuksan ang pinto at tumambad saakin ang dalawa na nag lalaro sa tablet. Napatingin saakin si zen at nanlaki ang mata nito kaya agad syang tumayo at tumakbo papunta saakin para yakapin ako kaya sinalubong ko rin ang yakap nya

"Mommy" - sabi ng anak kong si zen

"Baby, i miss you anak. How are you now?" - wika ko at hinalikan sya sa noo

"Hmp! Pwede bang mamaya kona sagutin yan tanong mo mom, i wanna eat na po" - tapos biglang naging malungkot ang mukha nya. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti saka muling hinalikan sa noo

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon