#24 (=^_^=)

4.4K 41 3
                                    


~~~~~~~*

"OhmyGod" - gulat kong sabi at napa hawak pa ako sa bibig

Sh*t sino yun bakit may ingay na nag mumula don. Kinakabahan ako baka may nakakita saamin. Anong gagawin ko ba-baka si troian kaya yun...

Lumapit bahagya si blazen para tignan kung ano yung narinig namin. Maiangat ang yabag ng paa nya habang papunta dun kaya naman sumunod din ako sa kanya at dahan dahan din inihakbang ko ang mga paa ko

Hanggang sa unang makarating si blazen dun at tumingin sa gawi ko kaya naman tinaasan ko sya ng kilay at nag mamadali din mag lakad sa gawi nya kung saan ang ingay. Nang makarating ako dun ay hindi ko akalain na yun pala ang makikita ko

"Tss it's a cat" - ani blazen at tinuro pa nya kaya naman tinignan ko din

"MyGod pusa lang pala pero teka....paano nag karoon ng pusa dito?" - takang tanong ko at tumingin sa kanya na naka kunot noo at tila bang nag iisip kung paano nga nag karoon ng pusa dito

Muling binaling ko ang paningin ko sa pusa na mukhang may nginangat-ngat kaya naman mas lalo kong tinitigan ito at bumaba pa ako ng kaonti para makita kung ano yung kinakain nya.

At sh*t na malutong pumipiglas ang kinakain nya at......

"Ewww...." - diring sabi ko at bigla akong napaangat dahil sa nakita ko at tumalon kay blazen dahilan para mayakap nya ako ng nakataas ang mga paa ko

Napatalon sya sa ginawa ko habang naka yakap ako sa kanya nya at buhat buhat nya. Nakapikit ako nang imulat ko ang mga mata ko at nanlaki ang mata ko dahil halos mag kiskis na ang ilong namin dalawa

Bahagya kong inalayo ang mukha ko pero nanatiling ganon ang posisyon ko. Wala akong pake kung naka yakap at buhat nya ako basta wag lang ako bumaba dahil may nakakadiri.

"What?" - singhal nya saakin at nag dugtong ang kilay nya kaya naman tinaasan ko sya ng kilay

"Tss. Kadiri kasi dahil may kinakain yung pusa" - iritado kong sabi sa kanya habang naka turo ang daliri ko sa pusa na busy pa din sa kinakain

Tinignan nya din yun kung saan naka turo ang daliri ko. Tinitigan nya ito at mas lalong nag dugtong ang kilay nya halos maging isa na nga dahil kunot na kunot

Saka sya bumaling ng tingin saakin at tinaasan ko lang din sya ng kilay.

"Kumakain lang sya fritzie. Anong nakakadiri dun?" - takang tanong nya

"Bopols" - bulong ko

"Anong bopols? I said dont say that fritzie" - medyo pasigaw nya saakin at naiilang na nilalayo ko ang mukha ko sa kanya. Akalain mo yun narinig nya pa

"Wala. Nakakadiri kasi yung kinakain talaga ng pusang yan and worst is....ewww pumapalag pa blazen as in pumapalag pa sya"

"Ha?"

"Anak ng panot talaga oh… gwapo nga bingi naman" - muling bulong ko pero nanlumo ako dahil narinig nya nanaman iyon. Naninisik kasi ang mga mata nya ng tignan ko sya

"Hehehe peace po" - biro kong sabi at nag peace sign pa

"Tanggap ko pa yung gwapo pero yung bingi at mas lalong panot ay hindi fritzie. Hindi ako panot nakita mo i have a hair." - inis na sambit nya at talagang diniin nya pa ang salitang panot sabay turo sa buhok nya na hindi daw sya panot

Natawa na lang ako dahil sa itsura nya. Kahit naiinis pala sya ay gwapo parin at ang sarap titigan yung mukha nya lalo na yung mga mata nyang singkit

"What?" - bulalas nya kaya naman napabalik ako sa katinuan

"Tss. Daga kasi kinakain ng pusa kaya pumapalag it so ewww..."

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon