#59 (=^_^=)

3.5K 41 7
                                    




~~~~~~*


Kumalas ako sa pag kakahalik kay ryker at napa buntong hininga na lang. F*ck talaga hindi ko alam kung bakit ginawa ko yun, kung bakit kelangan kong halikan si ryker kahit alam ko sa sarili ko na wala talaga akong nararamdaman sa kanya pero f*ck nangyari na

Nung hinalikan kasi ako ni ryker ay nakita ko sa likuran si troian na gulat na gulat dahil sa ginawa ni ryker kaya ginatungan ko at tumugon ako sa halik kahit na ayoko pero gusto ko kasi na maramdaman ni troian ang nararamdaman kong sakit sa dibdib kaya ko lang nagawa yun

"F-fritzie" - si ryker habang titig na titig sa mga mata ko. Inalis ko ang mga kamay ko na kanina lang ay nakakawit sa batok nya

"I'm sorry hindi ko sinasadya ryker. Mauna na ako" - nahihiyang sabi ko pero ang mata ko ay na kay troian parin na yukom na yukom ang mga kamay nito at panay ang igting panga nya

"Hatid na kita kung okay lang" - pag prisinta nya kaya tumango na lang ako para matapos na. Kagagaling ko lang kasi sa infirmary at medyo okay na ang pakiramdam ko saka ginamot na din ni ate angel ang sugat ko na nurse sa infirmary

Muling tinignan ko pa si troian na nandon parin bago ko sya talikuran saka nag lakad palayo sa kanya habang si ryker naman ay nakasunod saakin at inaalalayan ako kahit na okay naman ako tss.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa room at syempre as expxeted maraming bulung-bulungan ang tumambad saakin lalo na ng makita nilang kasama ko si ryker na nakahawak pa sa braso ko

"Thank you ryker" - naiilang na sabi ko at kinalas kona ang kamay nyang nasa braso ko

"Pwede ba kitang ihatid mamaya. Kung okay lang jingle kasi...."

"Kasi ano?"

"Kasi nag aalala ako sayo lalo na sa kalagayan mo look at your face jingle"

"Ah! Hahaha okay lang ano ka ba malakas pa ako oh hahaha" - natatawang sabi ko at tumawa naman sya. Mag sasalita pa sana ako ng biglang haplusin ni ryker ang pisngi ko kaya napapikit ako dahil dun

"Hindi ko hahayaan na masaktan ka muli fritzie. Alam kong wala kang nararamdaman sa akin, i understand. Hope we can be friends if it's okay to you"

"Oo naman why not ryker" - nakangiting sabi ko at ngumiti naman sya habang hinahaplos parin ang pisngi ko

Napatitig ako sa mukha nya at ngayon ko lang ito natitigan dahil nga hindi naman kami ganon ka close at isa pa wala naman din akong pake sa kanya noon. Gwapo si ryker halos nga ng babae dito sa campus ay nag kakandarapa din sa kanya. Matangos ang ilong, makapal na kilay na bumagay sa kanya, sobrang singkit ng mata, mahaba ang pilik mata at ang mapulang labi nya na malambot

Ngumiti muli ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nyang nasa pisngi ko. Mag sasalita na sana ako ng biglang may nag salita kaya napatingin ako sa likuran ko

"Hindi ka pa ba papasok" - isang malaking boses ang narinig ko pero kilala ko ang boses na yun kaya tumingin agad ako sa kanya at medyo nagulat pa ako ng makita sya sa harapan ko

"B-blazen" - masayang sabi ko pero anong gulat ko ng taasan nya lang ako ng kilay at lagpasan kaya nag taka ako sa inasta nya

"Pumasok kana" - utos nya ng lagpasan nya ako kaya napanganga ako

"Ah ryker pasok na ako. Sige na pasok ka narin maraming salamat ulit" - nag mamadaling sabi ko ng bumaling ako sa kanya

"Okay. See you later"

"Ha? Later B-bakit?"

"Diba sabi ko susunduin kita mamay-..."

"Ah oo sige sige mamaya na lang sige na thanks" - Sabi ko at ngumiti na lang. Tatalikod na sana ako ng halikan nya ang noo ko kaya laglag lalo ang panga ko lalo na nakita ng mga classmate ko maging si paris na nakaupo na at masama ang titig lalo na si blazen na naka taas nanaman ang kilay

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon