77 'REAL FATHER'

3.8K 42 1
                                    




~~~~~~*


"Hanggang kelan mo sasabihin sa anak mo ang totoo, jingle? Hindi habang buhay ay maitatago mo yan anak" - si mama habang nasa sala kami. Pag dating ko kasi dito galing grocery ay naabutan ko silang nag uusap dito kasama sila mama, papa, kuya, ate janella pero si troian at ang aking anak na si zen ay wala dito. Sinama sya ni troian sa mall

"Tama bunso, walang sekreto ang di nabubunyag. Four year old na si zen kaya karapatan nya na malaman ang totoo" - singit naman ni kuya habang nilalaro nito ang daliri ng fiance nya

"Anak alam kong hindi ka pa handa dahil natatakot ka kung ano ang magiging reaksyon nya. Pero anak hindi na mahalaga yun dahil ang mahalaga ay yung nasabi muna sa kanya kung ano ang tunay na ngyari at kapag nasabi mo na yon saka ka palang makakalaya sa ganon sitwasyon. I mean luluwag ang pakiramdam mo at hindi kana maiilang pa kapag nag tanong ulit ang apo kong si zen" - mahabang sabi naman ni papa, bahagya nya pang inayos ang salamin nito

"Natatakot ako" - malungkot na sabi ko. Tanging bungtong hininga lang ang nailabas ko din habang ang utak ko ay naguguluhan nanaman

"Lalo kang matatakot anak kung patuloy mo parin itong tinatago. Mas nakakatakot anak kapag sya mismo ang nakatuklas nun like what you said na nakita ni zen ang album, paano pa kaya pag may natuklasan syang iba?"

"Ma hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko lalo na ngayon may kinikilala na syang daddy and that is troian."

"I know anak pero hindi naman talaga sya ang tunay na daddy diba. Malalaman nya rin kung ano ang totoo"

"Jingle anak tama ang mama mo hanggat maaga pa sabihin muna dahil pag pinatagal mo pa baka mag rebelde lang sya lalo na sa edad nya. Advance sya kung mag isip" - ani papa. Napapikit lang ako at hinilot ang aking sentido dahil hindi ko talaga alam kung paano ko ito sasabihin

"Kaya mo yan sis" - si ate janella at nginitian ako nito kaya nginitian ko lang din sya pabalik

"Kayang kaya mo yan anak"

"Thanks ma, pa, kuya and ate janella" - nakangiting sabi ko kahit na kinakabahan talaga ako pero napag isip isip ko na kelangan ko na talagang sabihin sa kanya at kaya ko ito, kayang kaya ko

"Fight fight AJA" - sabi ni ate janella habang nakataas pa ang kamao nito kaya hindi namin napigilan tumawa

"Hahahaha"



Fastforward



"Mom i'm here with daddy" - narinig kong sigaw ng anak kong si zen. Napangiti ako pero agad din nawala dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko

"Mom where are you?" - muling sigaw ulit ni zen

"Here at kitchen anak. Come" - sigaw ko din pabalik. Nag hugas muna ako ng kamay saka ako nag punas at nag tanggal ng apron dahil kakatapos ko lang mag luto ng creamy spaghetti na paborito ni zen

Nakarinig ako ng yabag papunta dito at maya maya pa ay nakita kona si zen na mukhang masaya dahil ang lapad ng ngiti nito. Nakita ko rin si troian sa likuran nya na nakangiti kaya nginitian ko ito ngpabalik

"Mom" - tumakbo si zen sabay yakap saakin. Sinalubong ko din ang yakap nya

"How was your day anak? Did you enjoy with your dad" - sabi ko habang hinahaplos ang buhok nya

"Hmp! I hate daddy" - nagulat ako sa sinabi nya kaya hinarap ko sya at pumantay sa kanya. Nakita ko ang pagka kunot ng noo nito kaya imbes na mangunot noo din ako ay natawa pa ako dahil ang kulit ng mukha nya manang mana talaga sya sa daddy nya

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon