#46 (=^_^=)

3.3K 35 2
                                    


~~~~~~*

Hindi ko alam kung paano ko papatahanin sa iyak si hugo kaya ang ginawa ko na lang ay yakapin sya ng mahigpit. Sa yakap man lang na yon ay maibsan ang sama ng loob nya o hinanakit

Patuloy kong hinahagod ang likuran nya at maya maya pa ay bigla syang tumigil sa pag iyak saka sya kumalas sa pag kakayap saakin at humarap na ngayon at parang hindi bakas sa kanya na umiyak sya

Seryoso ang tingin sa akin at biglang ngumiti ng dahan dahan pero kahit itago nya pa ang lungkot nito ay makikita mo parin sa kanya dahil bakas sa kanyang maliliit na mata ang lungkot at hinagpis nito

"Thank you fritzie. Tsk nakakabakla" - aniya at tumawa bahagya kaya hindi ko rin maiwasan na ngumiti

"Welcome. I'm sorry hindi kasi ako marunong mag patahan hehe." - nahihiyang sabi ko naman at biglang napakagat ng labi

"Okay lang actually dahil sa yakap mo nawala kahit paano ang sakit at tinik sa dibdib ko." - aniya at bigla syang lumapit saakin kaya konting konti na lang ay mag lalapat na ang labi namin dalawa

"Ha? M-mabuti N-naman kung ganon hehe." - nauutal na sabi ko at napalunok pa dahil sa titig nya habang nakangiti saakin ng matamis

"What if ikaw ang naging girlfriend ko fritzie?" - tanong nya at napataas pa ng kilay

Sh*t ang gwapo nya at hindi ko mapag kakaila yun dahil perpektong perpekto ang mukha nito. Ugh! Bakit ba nag kalat ang lahat ng gwapo sa mundo hehe

"Fritzie" - muling tawag nya saakin kaya napabalik ako sa katinuan

"Ha? A-ano yun?" - napapahiyang sagot ko at biglang napakamot sa ulo

"Paano kaya kung ikaw ang naging girlfriend ko. Magiging masaya kaba saakin kahit na puro aral ang inatupag ko?" - seryosong sabi nya at biglang nanlaki ang mata ko dahil dun

Kumalabog ng limang beses ang puso ko at kumalabog muli ng limang beses pa, kaya sampung beses kumalabog ito.

Sh*t what do you mean hugo?

Napatalon ako ng humaplos ang palad nya sa akin pisngi kaya napaatras ako at sa pag atras ko nun ay nahulog ako kaya napapahiyang napa facepalm ako. Akala ko tuluyan ng lumapat ang mukha ko sa buhangin pero nagulat ako ng saluhin ako ni hugo at ngayon ay nasa ibabaw nya ako habang sya ang nakahiga sa buhangin

"OhmyGod" - anang ko at biglang uminit ang pisngi ko dahil amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga dahil naka half open ito

Muli akong nagulat dahil bigla syang ngumisi at dahan dahan lumapit ang mukha saakin. Ang maliliit kong mata ay biglang dahan dahan lumalaki dahil sa gagawin nya

Iiwasan ko sana ang mukha nya ng lalapit ito saakin mukhang alam ko na kasi ang mangyayari. Pero huli na ang lahat dahil ngayon ay magkalapat na ang labi ko sa labi ni hugo habang naka ngisi sya

Napapikit ako hindi dahil sa masarap nyang halik kundi dahil naramdaman ko ang mga kamay ni hugo na pumulupot sa aking likuran at diniin nya pa ang sarili ko sa kanya kaya ngayon ramdam na ramdam ko talaga ang malambot na labi nito

"Fritzie" - isang matigas na boses ang narinig ko kaya agad akong kumilos na kumalas sa pag kakahalik sa kanya at pag kakayap ni hugo

Dali dali akong tumayo at inalalayan pa talaga ako ng lalaking katabi ko at tumingin sakin at teka ngumiti ba sya. What the hell? Hindi pwede

"T-troian?" - natatakot kong tawag sa kanya na ngayon ay nasa harapan namin sya at nakatayo habang naka pamulsa ang mga kamay nito sa bulsa

Naningkit ang mata nya at seryosong tumingin saakin na agad akong kinabahan dahil dun. Tumaas ang kilay nya ng bumaling ang tingin nito sa likuran ko

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon