#64 (=^_^=)

3.6K 30 7
                                    


~~~~~~* BLAZEN POV..

Nagising ako ng may biglang bumuhos ng malamig sa akin. Nang hihinang dinilat ko ang aking mga mata pero agad din napapapikit dahil may kung anong hapdi ang nararamdaman ko sa kilay ko

"Hoy gumising ka?" - sigaw ng isang lalaki. Minulat ko muli ang mata ko at kahit pumipikit ito hindi ko ito ininda

Nakita ko ang tatlong lalaki na kumuha saakin kanina. Ang isang kalbo na may nunal sa pisngi ay nag aayos ng baril at nag pupunas. Ang isang kalbo naman na walang nunal ay umiinom ng alak habang nakangisi ito saakin at ang isang may buhok ay nasa harapan ko ngayon na may hawak ng balde at malamang sya ang nag buhos saakin ng tubig

"N-nasan ako....S-saan nyo ko dinala" - nang hihinang sabi ko Habang iniikot ko ang mata ko sa isang mukhang abandunadong gusali

"Hahaha natural nandito sa harap ko. Tanga na at bobo pa tsk! Sayang ang gwapo mo pero tanga at bobo ka nga lang hahaha. Mabuti pa ako gwapo lang" - nababaliw na sabi nito at nagulat ako ng bigla nyang itutok saakin ang baril

"A-ano ang gagawin mo saakin"

"Natural tatapusin na" - kinasa nya ang baril at tinutok ito saakin sentido. Napapikit ako at nag dasal at sinabing kayo na DIYOS ang bahala saakin pero anong gulat ko ng ihampas nya sa pisngi ko ang baril na hawak nya

"Oy pre baka naman mamatay yan dahil sa ginagawa mo. Baka mayari tayo ni boss nyan" - anang kalbo na may nunal at tumayo saka lumapit saakin

"Ang sarap burahin ang gwapong mukha nito decoy hahaha"

"Kaso hindi pwede dahil ang sabi ng boss kelangan makitang okay ang mukha nya dahil kung hindi tayong tatlo malalagot sa kanya"

"Psh! Sayang akala ko mapupuruhan ko na ang gagong ito hahaha" - tumawa pa ng malakas ang ungas na ito

"Sino ba ang nag utos sa inyo" - tanong ko at palipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Dahil isa lang ang naiisip ko at sana nag kakamali ako

"Pre sino daw ba ang nag utos satin hahaha"

"Abay syempre ang napaka-...." - napatigil sya ng biglang may tumunog na phone

"Baka si boss na yan" - anang kalbo na walang nunal

"As usual" - inglesyerong sambit naman ng may buhok at agad nya ito kinuha sa bulsa nya. Napatitig ako lalo sa mukha nya at tinignan ang bawat ekspresyon ng mukha

"Boss...oo nandito sya. Hahaha gusto nga namin sanang puruhan kahit kon-....ay! Oo hindi hindi po boss biro lang sige sige...masusunod boss" - agad nya din itong binaba ang linya at tumingin saakin ng nakangisi

Lumapit sya saakin sabay sinampal ng medyo malakas ang pisngi ko pero hindi ako nag patinag sa ginawa nya lalo na ng ulitin nyang sampalin muli ang pisngi ko

"BAKLA KABA?" - galit na sigaw ko sa kanya nakita ko naman na nag katingnan ang tatlong ungas at bigla silang tumawa ng malakas

"WAHAHAHAHA" - silang tatlo habang hawak hawak pa sa tyan nila

"Sira ulo ka pala eh! Kung bakla ako malamang tinuhog kona ang pwet mo gago" - sigaw din nya pabalik saakin at bigla akong sinampal muli

Tsk! Confirm bakla nga, ang hilig manampal. Napabuga ako ng laway na may dugo dahil tumama ang kamay nyang puro kalyo saakin labi. Halos madurog sya sa kakatitig ko ng masama sa kanya pero ang ungas ay tatawa tawa lang

"Kalasin na yan. Psh! Pasalamat ka pinakawalan ka ng boss namin dahil kung hindi dito pa lang tapos na ang buhay mo blazen" - anang may buhok at tinutok saakin nanaman ang baril. napatalon ako ng biglang pumutok ito pero sa likuran ko ito nya pinatama

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon