#63 (=^_^=)

4.9K 29 3
                                    


~~~~~~~*

"Diba sinabi ko sayo na layuan muna ako troian. Ano pa ba ang gusto mo ha" - singhal ko sa kanya ng hatakin ko sya palabas ng bahay. Nag init bigla ang dugo ko ng makita ko sya kanina habang nakangiti pa kela mama at papa

Ngumiti ako ng pilit kela tita at tito maging kay mama at papa din saka ko ipinaalam na kakausapin ko lang sandali si troian kaya ng tumango sila ay halos kaladkarin ko na ang gagong ito palabas ng bahay dahil hindi ko na kaya pang itago ang galit ko sa kanya. Gusto ko syang sakalin ngayon hanggang sa malagutan sya ng hininga

"Sa ayaw at sa gusto mo hinding hindi kita lalayuan jingle" - bulalas nya at hinawakan ako sa braso na agad ko naman hinawi

"F*ck you troian at sino ka para sabihin saakin yan ha? Wag kang gago. TAPOS NA TAYO  kaya kung ano man ang balak mong sabihin kela mama at papa na keso makikipag balikan ka wag na dahil hinding hindi ako papayag na maging tayo ulit kahit mamatay pa ako" - sigaw ko sa mukha nya at galit na galit tumingin sa mga mata nya. masama na din ang pukol ng tingin nito

Hinawakan nya muli ang braso ko at bigla akong natakot dahil sa titig nya na para bang demonyo. Kumalabog ang puso ko ng makita ko ang reflection ko sa mata nya na takot na takot

"Sh*t..A-ano ba troian N-nasasaktan ako" - sabi ko dahil ang sakit ng hawak nya sa braso ko. Lalo syang tumitig saakin ng masama kaya napayuko ako dahil hindi ko kinaya ang masamang tingin nya

"T-troian M-masakit"

"Talagang masasaktan ka pag hindi ka sumunod sa gusto ko fritzie" - matalim nyang sabi at bigla syang ngumisi

"T-troain" - sabi ko habang kinakabahan na ewan dahil first time ko lang sya makita na ganito at yung saktan ako katulad ng ginagawa nya sa braso ko na halos baliin nya na

Bigla akong nanlamig at nanginig ang buong katawan ko dahil sa itsura nyang nakakatakot. Yung dating troian na gwapo at maamo ang mukha na hindi nakakasawang tignan pero ngayon halos ikaw na ang kusang iiwas dahil sa hindi mapaliwanag na itsura nya. Halo halo ito, basta isa lang ang masasabi ko. NAKAKATAKOT SYA

"Susunod ka sa gusto ko baby" - mahinahon aniya pero masama parin ang tingin nya saakin

"B-bakit?"

"Dahil gust-..."

"Ayoko na nga troian. Bakit ba pinipilit mo pa ang sarili mo saakin ha? Diba may paris kana, bakit hindi na lang sa kanya? Total may ngyari na sa inyo at mahal nyo naman ata ang isat isa"

"Psh! Ikaw ang gusto ko at pag sinabing kong ikaw, IKAW! Naiintindihan mo fritzie"

"Hindi pwede dahil ayoko at hindi na kita mahal"

"At sino ang mahal mo ha?" - nagulat ako ng hawakan nya ang panga ko ng mahigpit kaya sobrang nasaktan ako ngayon. pilit ko syang nilalayo dahil ang lapit na ng mukha nya saakin

"T-troian nasasaktan na ako." - naiiyak na sabi ko

"Talagang masasaktan ka fritzie. Sino ang MAHAL MO? SINO FRITZIE. F*CK" - sigaw na mura nya at nag salubong na ang kilay. Halos mabali ang leeg ko ng padabog nya itong bitawan ang baba ko

Lumayo ako sa kanya at mangiyak mgiyak na talaga ako habang hinahaplos ko ang baba at braso ko dahil ang sakit ng ginawa nya. Hindi ko inaakala na magagawa nya saakin ito

Kumalabog muli ang puso ko at takot na takot sa kanya kaya onting onti akong umatras dahil palapit sya saakin na seryoso ang mukha at parang papatayin ako habang yukom ang kamay nito

"Troian lumayo ka saakin" - banta ko pero patuloy parin sya

"Troian, wala na tayo kaya kay paris muna ibuhos yan kung ano ang gusto mo. H-hindi na kita mahal"

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon