77.5 'THE FLASHBACK'

3.8K 36 6
                                    





~~~~~~* THIRD POV...





"Hindi ko mapapatawad kapag may ngyaring masama sa kanya. Hinding hindi, ugh! Kasalanan ko ang lahat ng ito" - paulit ulit na sabi ng dalagang si fritzie, halos hindi na sya mapakali kakalad at pabalik balik tapos sasabunutan ang sarili na tila bang isang baliw

"Anak huminahon k-...."

"Paano ma? Sabihin nyo saakin kung paano? Eto nanaman ako, ito ang pinakaayaw ko ang babalik muli sa hospital nato" - napasigaw na sya sa kanyang mama pero maya maya pa ay umiyak nanaman sya dahil naalala nya nanaman ang taong mahal nya at huling pag kikita pa nila ay dito din sa hospital kung saan naka confine ang anak nila na si fritzen

"Anak magiging okay din ang lahat" - anang mama nya at bigla nya itong niyakap

"Paano ma? Natatakot ako ma dahil sa kagagahan ko pati anak ko nadamay na. Kung noon si blazen dahil sa pag saway ko tapos ngayon yung anak ko naman. Ano bang gusto ng Diyos? Bakit ba pinaparusahan nya ako ma. Bakit ma" - umiiyak na sabi nya at halos mag lumpasay na sya sa sahig dahil sa hindi mapigilan emosyonal

"Jingle" - lumapit na si troian at inalalayan na sya maging ang papa din ni fritzie, ang kuya at ang fiance nito ay tinulungan na din para pakalmahin si fritzie na patuloy lang sa pag iyak

"K-kasalanan ko nanaman, kasalanan ko ang lahat kung bakit ngyayari ito. S-sana ako na lang ma, sana ako na lang. Di bale ng ako wag lang ang mga taong mahal ko lalo na si blazen at ang aking anak na si fritzen"

"Jingle, wag kang mawalan ng pag asa. Naririnig ka ng Diyos anak at pakikinggan nya ang dasal mo kaya mag tiwala lang tayo sa kanya" - ang papa naman nito saka hinaplos ang likuran ng anak nyang si fritzie

"Mag dasal? Mag tiwala? Sige nga paano ko gagawin yun kung noon pa lang walang ngyari ha. Sabihin nyo nga saakin" - singhal nya sa lahat at masama na ang pukol ng tingin nito.

"Jingel ang bungang-...."

"Shut up kuya, kung pinaparusahan nya ako sana ako na lang ang pahirapan nya. Wag na yung mga taong mahal ko lalo na ang anak ko. Sobrang sakit noon makita si blazen na walang malay at hanggang ngayon wala parin malay dahil sa ilan taon na syang comatose tapos eto, eto naman ngayon ang ngyari. Kapag may ngyari sa kanya hindi ko na kakayanin pa, baka mag pakamatay na ulit lang ako para matapos na ang lahat" - sigaw nya saka nya tinalikuran ang lahat at walang lingon lingon itong tumakbo palayo sa kanila habang pinupunasan nya ang mga luha nito

"Jingle bumalik ka dito paano ang anak mo" - sigaw ng kuya nya. Napatingin sya sa fiance nito na hinawakan ang kamay

"Hayaan mo muna sya hon, alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon nya kaya nag kakaganyan sya" - wika ng dalagang si janella

"Tama si janella, anak. Hayaan muna natin mapag isa si jingle. Alam kong babalik din sya dahil hindi nya matitiis ang anak nya" - dugtong naman ng mama nito

"Hayss! Kung kelan si blazen na lang sana iispin. Nangyari pa ito, mababaliw na din ako kakaisip" - napahilamos na lang ang binata habang nakatingin sa dalawang taong papalayo sa kanila na si troian at fritzie

"Jingle where are you going? What about your daughter" - habol ni troian sa dalaga na mabilis tumakbo

"Hindi ko alam" - halos pasigaw na sabi nito at nag mamadaling mag lakad na lang na akala mo hinahabol

"Tsk! Iiwanan mo na lang ang anak mo dun ha? Paano kung gumising sya at hanapin ka"

"Nandon sila mama. Babalik din ako kelangan ko lang mapag isa at mag isip"

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon