#71 'ANNIKA'

3.8K 27 2
                                    


~~~~~* BLAZEN POV...


"Please mahal stop crying" - pag alo ko habang yakap yakap ko siya. Sobra ko siyang namiss kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin sya kanina nung makita ko ang taong matagal ko ng hinintay

"P-paano akong hindi iiyak ganon pala ang ginawa sayo. I feel sorry for you blazen, i'm so sorry" - umiiyak na sabi nya at mas lalo pang humagulgol. Naikwento ko kasi ang lahat lahat simula yung ngyari na yun. Syempre andun yung gulat at pag tataka nya at nandon din ang galit dahil sa ginawa saakin

Flashback

"Anak, jingle" - si tita alona. Umiiyak agad ang bumungad nya pagka dating nya dito. Kasama nya si tito ang asawa nito at ang kaibigan ko naman na si jersey

"Ma don't worry about her, she's okay now" - anang jersey at hinagod nito ang likuran ng mama nya

"B-bakit lagi na lang ganon? Bakit nilang gustong patayin ang anak ko ang kapatid mo. Ano ba ang kasalanan nya" - humagulgol na si tita habang nakatingin sa anak nya na inaasikaso ng mga nurse

"Malalaman natin yan ma pag nakausap na natin si troian"

"Idedemanda ko sila kapag may ngyari sa kapatid mo jersey"

"Yes ma idedemanda natin sila" - sabi na lang ni jersey. Ang papa nya ay tahimik lang din habang pinag mamasdan ang anak na may aparato, Bakas din sa kanya ang gali at lungkot. Habang ako dito ay nasa gilid lang kasama si fhey at pinag mamasdan lang namin ang mag pamilya na walang tigil sa pag iyak si tita alona

Ilan minuto pa ang nakalipas bago nila kami mapansin. Nasa labas kami ng kwarto at nag uusap nila jersey, tita alona, tito jonson at fhey. Naikwento ko sa kanila kung ano yung nadatnan ko lang habang si fhey naman ay naikwento nya ang lahat lahat kaya nagulat ang mga magulang nito maging si jersey din pero hindi ni fhey naikwento ang ngyari sa ambulance

Dahil Dumating ang mga magulang ni troian at nagulat ako ng tumingin saakin ng masama ang mommy ni troian. Nag taka ako kung bakit ganon na lang ang bungad nya saakin. Nag usap sila habang ako dito ay nasa gilid lang at nag dadasal na sana maging maayos ang lahat lalong lalo na si fritzie

Nagulat ako ng lapitan ako ni jersey habang nakapamulsa ito. Umupo sya sa tabi ko at tumingin din sa mga magulang na nag uusap habang si fhey naman ay kasaup sila troian, maddox, gunner at ryker

"Gusto muna bang umuwi? Okay lang naman pre alam kong napagod ka"

"Hindi naman" - tipid kong sagot

"Ano kaba mag pahinga ka na din at diba may pasok ka pa" - napatingin ako sa kanya at tumango na lang. Gustuhin ko sanang mag stay na lang muna dito hanggat hindi pa nagigising si fritzie sana pero mas mabuting umalis na lang muna dahil pwede ko naman syang bisitahin araw araw

"Alis na muna ako pre. Pakibalita naman ako kapag nagising na si fritzie salamat. Pakisabi na lang kela tita and tito na mauna na ako" - sabi ko at tumayo na. Tumango na lang si jersey kaya nilagpasan ko na lang sya pero bago yun ay muli akong tumingin kay fritzie na hanggang ngayon ay tulog parin. Gusto ko sana syang yakapin at halikan sa noo kaya lang may mga tao. Agad ko rin nilisan ang hospital at umuwi na lang muna dahil nag txt din saakin ang dean na bukas na ako ng umaga bumalik sa school dahil may sasabihin daw sya

Fast forward

Kinabukasan ay maaga din akong nagising. Nag luto ng breakfast at nag ayos ng sarili at nag wisik lang ng kaonting pabango saka ako sumakay sa motor patungo sa school

Agad din akong nakarating at pinark ang motor saka ako nag lakad papunta sa loob ng school. Nag taka ako dahil ang mga mata ng istudyante ay nasa saakin at nag bubulungan, hindi ko na lang ito pinansin at diretso ang lakad papunta sa dean office

PROFESSOR and I 'Complete ✔'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon