Bullet Twenty One

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumingin siya kay Chief, sa mga tauhan sa likuran niya at sakin. Nakita kong humigpit ang kanyang pagkakahawak niya sa kanyang baril.

I get it. May plano siya. Tatraydorin niya si Chief.

He pointed Chief using his lips. Talk. He mouthed.

"So," I cleared my throat. Tiningnan ko si Chief, wala siyang baril. "papatayin mo ako."

"Magiging madali lang ang pagpatay namin sayo dahil mag-isa ka nalang."

"Da, si Koko to. Naririnig namin ang lahat. Nasa labas na kami ng agency, may naipatumba na rin kami na mga Red Guns. Bigyan mo lang kami ng sign kung susugod na kami diyan sa loob."

I smirked. "That's what you think."

He frowned. "What--.."

"Now!" Sigaw ko bago sinipa sa private part yung lalaking nasa likuran ko.

Pinagbabaril ni Caden ang mga lalaking nasa likuran niya. Nakita kong tumakbo si Chief papunta sa 2nd floor.

Pinatumba ko muna yung mga Red Guns na naiwan dito. Natuwa ako nang makita sina Kourtney, Logan, Xavi at ang ibang agents na nakapasok na sa loob ng agency at pinagbabaril ang mga Red Guns.

Nakita kong pumasok rin sina Misty, Trent at ang iba pa nilang mga kasamahan.

"Misty?!" Gulat na sigaw ni Logan.

"Logan!" Tumakbo si Misty papunta kay Logan at niyakap ito ng mahigpit.

I rolled my eyes. Nakuha pa nilang maglandian. Joke.

Lumapit sakin sina Logan at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Dami mong sugat sa mukha, Da." Logan said. Puno ng lungkot at galit ang kanyang mata.

Hinalikan naman ni Xavi ang noo ko. "Pasensiya na kung nahuli kami, ah? Dami kasing nakaharang na Red Guns sa entrance." He sighed.

"Ayos lang, nandito na kayo." I said.

"Dakotiti!" Naiiyak na sabi ni Koko bago ako niyakap. "sorry kung late kami! Ang dami mo na tuloy'ng sugat. Sorry talaga!" She cried.

"Gaga," Kinurot ko pisngi niya. "I'm okay, buhay pa naman ako."

"Nasan na yung walanghiya nating Chief?" Nanggigigil na sabi ni Xavi bago kinasa ang baril niya.

"Tumakbo siya sa 2nd floor," Sabi ko. Susugod na sana si Logan at Xavi pero pinigilan ko sila. "ako nang bahala sa kanya."

"Pero, Da--.."

"Laban ko to," I forced a smile. "this is for my mother and brother."

Bumuntong hininga sila pero tumango rin. Magsasalita pa sana ako nang may magsalita sa likuran ko.

"Dakota."

I stiffened. I clenched my jaw and fist. Bago ko pa siya lingunin ay sinugod na siya ni Xavi. Napatalon ako nang suntukin niya si Caden. Hinayaan lang ni Caden si Xavi at hindi ipinagtanggol ang kanyang sarili.

"You fucking bastard! Traydor! Sana natuluyan ka nalang sa Davao noon!" Sigaw ni Xavi.

Agad naman siyang nilayo ni Kourtney kay Caden. "Tama na, Xavi!"

Linapitan ni Logan si Caden at kwinelyuhan. "You sick animal. You chose money over the woman you love," Binitiwan ni Logan si Caden at itinulak palayo. "wag ka nang lumapit kay Dakota."

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang baril ni Logan at dali daling umakyat sa 2nd floor.

"Dakota, sandali!"

Hindi na ako lumingon at dali daling tumakbo. Kinasa ko ang baril at dahan dahang dumikit sa pader. Nandito sa 2nd floor ang opisina ni Chief. For sure, nandun siya para kumuha ng armas.

Unti unti kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nasa may bintana siya. Nakatayo lang siya at nakatingin sa labas. Wala siyang hawak na baril o kung ano.

"Ang tagal mo namang makaakyat dito." He said.

"Hinayaan na muna kitang mag-isa para makapagdasal ka."

"You're not scaring me, Dakota. Hindi ako takot na makalaban ka." He chuckled.

"Then why did you run?" Nakatutok ang aking baril sa kanya.

"Gusto ko lang na makausap mo ang lalaking mahal mo bago kita patayin." Sabi niya bago ako hinarap.

"Hindi ko siya kinausap." Mariin kong sabi.

"Sad. Hindi mo na siya makakausap ngayong nakapasok ka na rito." He grinned.

"I can take you down, Rhodes."

"Really? May I remind you na lahat ng mga natutunan mo ay nagmula sakin. Ako ang nagtrain sayo."

"Oo, sayo galing ang mga alam ko. But you're getting old, Chief. Sa tingin mo kaya mo akong patumbahin ng basta basta?"

"Of course," He smiled. Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay. "be fair, Dakota. No guns."

Huminga ako ng malalim bago binitiwan ang baril ko at sinipa palayo sakin. "No guns," I raised my hands. "remember, only the strongest survive and the weakest will die."

He smirked. "Roger that."

Tumakbo siya papunta sakin at inatake ako. Umilag ako at sinipa siya pero nahuli niya ang paa ko. Tinulak niya ang paa ko kaya natumba ako. Agad akong tumayo at sinugod siya. Inaatake ko siya ng suntok pero umiilag siya. Nairita ako kaya sinipa ko siya sa kanyang private part.

"Oh, sorry, Dad." I teased.

He grunted pero bumawi siya agad. Tinulak niya ako at kinuha ang right arm ko. Nilock niya yun sa likuran ko at unti unting tinataas para pumutok ang shoulder ko. Agad akong nagbend patalikod para mahirapan siyang iakyat ang kamay ko at finorward ang right leg ko, I twisted my body at itinaas ang left arm ko at pinatama ang aking siko sa kanyang mukha.

"Aw, fuck!" He yelled.

"Yeah, fuck you!" Gigil kong sabi.

Inikot ko ang aking left arm at nilock ang kanyang elbows sa aking braso. Hinigpitan ko ang pagkakaipit para mapasigaw siya sa sakit. Habang nakaipit ang kanyang elbows sa left arm ko, pinagsusuntok ko siya gamit ang right arm ko.

Agad niya akong tinulak gamit ang paa niya. Sinipa niya ang tiyan ko kaya napaatras ako. Sinipa niya ng patagilid ang aking legs kaya napahiga ako. I grunted.

Pumatong siya sakin at naglabas ng swiss knife. Nanlaki ang mga mata ko. Madaya talaga ang tarantadong ito!

Maingat akong umiiwas ang matalas na kutsilyo na itinututok niya sa mukha ko. Gamit ang dalawa kong braso ay pilit kong nilalayo ang kanyang kutsilyo sakin.

He grinned. His eyes were bloodshot. "Who's the weakest now?"

Nanginginig na ang aking mga kamay, ganon din siya. Sobrang lapit na ng kutsilyo sa mata ko. I closed my eyes and used my remaining strength to stop him.

Bang!

Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang makarinig ako ng putok ng baril. Wala akong naramdaman na sakit. Minulat ko ang aking mga mata at nakitang may dugong tumutulo mula sa bibig ni Chief. Nabitawan niya ang kutsilyo at natumba. Agad kong sinipa ang kanyang katawan palayo sakin.

Nakita ko si Caden sa may pinto at may hawak na baril na nakatutok sakin. Ibinaba niya yun at lumunok.

"Dakota," Pinulot ko ang baril na sinipa ko kanina, kinasa ko yun at tinutok sa kanya. "I love you."

Tumulo ang aking mga luha. Nanginginig ang aking kamay na hawak hawak ang baril.

"I know." I said before pulling the trigger.

________

4 more chapters to go! :)))




Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon