4: Past (Positive)

Start from the beginning
                                    

"Blair..." 

 

"Ma..." I slyly smiled.

"OK ka lang ba? Gusto mo sumama rin ako?" tanong ni Mommy.

I nodded. Sa mga ganitong panahon, I need my mom. I need her and Mare. Kaya hinintay rin namin si Mommy tapos umalis na kami.

"Iha, ilang weeks ka na nga kamong delayed?" 

 

"2weeks po..." sabi ko kay Doktora.

"Congratulations, Misis, you are pregnant. 2 weeks ka ng buntis!" 

 

OH MY... hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang saya ko lang... sobra. Sobra kong saya. Magkaka-baby na ako.. kami.. ni ALfred. Gusto kong tumalon sa tuwa... pero ayaw ko namang may mangyaring masama sa baby ko kaya.. hanggang ngiti na lang ako.

Pati nga si Mare at si Mommy. Niyakap agad nila ako pagkatapos naming marinig ang balita. The good news.

"Dapat malaman na agad to ni balae!" kinuha agad ni Mommy ang cellphone nya.

"Ma! Wag.." pinigilan ko syang magpipindot sa cellphone. "Pwede po bang sabihin ko muna kay Alfred saka na lang po kina Tita?"

Medyo natahimik pa si Mommy nun na para bang nagaalala sakin. Alam nya kasi ang problema namin ni Alfred... actually alam ng buong pamilya namin. Except ng kapitbahay.

Hay... umuwi na si Mommy samantalang kami ni Syn, hindi muna. Nagpasama kasi ako sa kanya sa office ni Alfred.

"Wait Mare... practice nga ng sasabihin mo." kanina pa nya akong pinapagpractice ng sasabihin ko eh. Kinakabahan na nga ako tapos ganito pa tong babaeng to.

"Hi, pwedeng makausap si Alfred?" kunwari sa receptionist muna ako magtatanong. "Ok, I'll wait." detailed yan!

"Hi, Best." Siguro anman papansinin na nya ako. Hindi kaya nya ako natitiis! Baka nga namimiss na nya ako eh.! "Best, sorry nga pala dun sa nangyari. I have a news for you.. I'm pregnant."

"Hmm.. pwede na yan. So what answer do you expect?"

"A smile? then 'really?!' then he'll hug me and kiss me and shout 'I'm going to be a dad soon!'." napapangiti ako habang iniimagine ko ang mangyayari. Ang ganda lang.. ang saya.

"Aray!" batukan ba daw ako?!

"Yan ang reaction nya kung gusto ka nya! Eh yung tunay na sitwasyon?"

Ayoko ngang isipin yun pero ang kulit neto eh. Gusto pa talaga ako ma-badtreep.

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now