"Hindi ko alam. Isn't that normal?" I asked.

Humakbang palapit ang kakambal niyang lalaki. Nakapamulsa ito ngunit iniangat ang isang kamay saka inalis ang pagsakal sa akin ni Daniella. Nasa mukha nito ang pagtutol ngunit wala siyang nagawa.

Malalim akong huminga at pilit itong hinabol. Unti-unting naging normal ito ngunit hindi ang tambol ng puso ko na napakabilis dahil sa halong takot at kaba. Ano nga ba ang laban ko kung papatayin nila ako? I'm nothing but a weak girl against these supernaturals.

"It's not normal, of course. Only creatures with ability and powers can move that moment. And you're able to see what happened, so... that explains that you're not just a mere human," he said in a gentle voice.

My forehead creased. Agad akong umiling.

"No! I'm a human! Nagkataon lamang na baka hindi niyo ako nasakop kahapon. At wala akong pakialam kung ano pa man yun. Just leave me alone, wala naman akong pagsasabihan. And you guys think na may maniniwala sa akin in case na ilahad ko iyon sa publiko?" I stated. Daniella crossed her arms in front of her chest.

"We don't care kung maniwala pa ang publiko sa iyo. We can erase their memories about it. Our concern now is, what are you?" aniya. Napapikit ako sa inis. Pagmulat ko ng mata ay matiim ko silang tinignan.

"Tao ako! Tao! Clear now? Just leave! ‘Wag niyo akong pakialaman," saad ko at nilampasan sila.

Daniella tugged my arm. Napangiwi ako nang bumaon ang ilang kuko niya sa balat ko.

"What!?" Nilingon ko siya. May bahid ng inis at galit ang mukha niya.

"Feisty, huh? Weak creature! You don't have the rights to turn your back to high-profiled creatures like us! Don't you know that I can even kill you now? I'm a half witch and vampire!" Sigaw niya na dumagundong sa loob ng apartment. Kinabahan ako.

Witch? Means spells and other stuffs with the use of magic? And is it possible na maghalo ang witch at vampire? Pilit kong tinago ang curiosity at takot. Tinitigan ko siya.

"I don't care, just leave." Nanlaki ang mata niya at tinuro ako.

"You! Don't tell me what to do!" aniya at nakita ko ang paglabas ng tila magic circle sa kanyang palad. It is between the color of violet and pink. Itinapat niya ito sa akin.

"Daniella! Stop it!"

Ngunit huli na ang sigaw ni Daniel. Pinakawalan na iyon ng kanyang kakambal papunta sa akin. I closed my eyes. I heard a loud thing crashed against something. Pagmulat ko ay nasa pader na si Daniella at namimilipit sa sakit. Nilibot ko ang tingin at naghanap ng bakas niya kung tinulungan ba niya ako pero wala. Maagap na lumapit si Daniel sa kambal bago sumulyap sa akin na may pagtatakha mga mata.

"Fuck!" Daniella uttered under her breath.

Pinigilan ko ang sariling lumapit sa kanila at pinagmasdan siyang tinutulungan tumayo mula sa bitak na pader. Napaawang ang labi ko nang mag-sink in sa akin ang nangyari. Sira ang pader! Oh my gosh, lagot ako kay Ate Tessmarie na may-ari nito!

"Bitch!" saad ni Daniella nang makahuma.

"Ano ba? Wala akong ginawa sa'yo! Ayusin niyo ang pader at umalis na," saad ko.

"Really? Wala kang ginawa! Then explain why the hell I was threw away to that wall, huh!?" Nanggagalaiti niyang saad.

"Baka karma," sagot ko. Hindi ko alam pero untu-unting nawala ang takot sa sistema ko.

Tinignan ko ang inis niyang mukha bago bumaling sa kanyang kambal.

"Please leave. Don't worry I won't spill anything. And can you please, repair the damage? I'm not really feeling well, so please leave," mahinang saad ko.

He stared at me for a moment before sighing at tinapat ang palad sa may pader. Unti-unti itong naayos at wala ng bakas na nasira ito kani-kanina lang.

"Twin!" Reklamo ni Daniella nang binuhat siya nito

"We will leave now, don't be stubborn," sagot nito. Masamang tingin ang itinapon sa akin ni Daniella.

"Humanda ka sa akin," saad niya bago sila nawala sa hangin. Bumuntong-hininga ako at naglakad papunta sa kwarto.

Ibinaba ko ang bag sa tabi at hindi na nakapagbihis pa. I'm so exhausted. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. I think I just need a break even for a short time.

Humiga ako sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot at unti-unting hinila ng antok ang aking kamalayan.

Nagising ako na sobrang sakit ng katawan. Nanginginig ang lahat ng parte ng katawan ko at napakasakit ng batok ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na bagay sa aking noo. Pagmulat ko ay nag-aalalang mukha ni Irene ang bumungad sa akin. Dinadampi niya sa akin ang basang bimpo.

"Anong nangyayari sa'yo. Wala ka namang lagnat pero mukhang hindi maganda ang lagay mo..." Nasa boses niya ang pag-aalala.

Tumikhim ako at akmang magsasalita nang mapangiwi ako dahil sa pagkirot ng batok. Lalo ring sumasakit ang katawan ko.

"Hoy, Sweet Aphrodite naman! Dadalhin ka na ba namin sa ospital. Hays, mabuti pa nga." Akmang tatayo siya nang pigilan ko siya sa kamay. Umiling ako.

"Ayos lang ako," bulong ko sa paos na boses.

Nasa mukha niya ang pagtutol at akmang magsasalita nang pumasok si Stella na may dalang mangkok na naglalaman ng soup. Inalalayan ako sa pag-upo ni Irene.

"Kain ka muna. Para maka-inom ka ng gamot," aniya.

Kukunin ko sana ang kutsara ngunit siya na ang humawak at pinakain ako. Samantalang tahimik si Stella sa tabi katulad ng nakasanayan.

Pagkatapos kumain ay kinuha na muli ni Stella ang mangkok at lumabas. Pinainom ako ng gamot ni Irene. Umalis ako sa pagkakasandal sa headboard ng kama at umupo nang tuwid para maka-inom ng maayos.

"Sweet!" Napatingin ako kay Irene na nanlalaki ang mata. Tinuro niya ang unan. Binalingan ko ito at nanlaki ang mata nang makita ang puti kong unan na may bahid ng pulang likido. I gulped hard at dahan-dahang hinaplos ang masakit kong batok.

"Anong nangyari..." Nanginginig sa kaba ang boses ni Irene bago ako dahan-dahang pinaikot at hinawi ang buhok ko. I heard her gasp.

"Sweet...parang may naka-engrave sa batok mo. But it's unfamiliar kaya 'di ko mabasa. But you know what's weird?"

Kinabahan ako habang hinihintay ang sagot niya.

"A-ano?" I asked.

"It's glowing."

******

Supladdict<3

Dark LoveWhere stories live. Discover now