“Brandon ang name mo diba?” tanong ng ate ni Cham na si Mylez. Lumabas ang mga magulang nila kasama si Mrs.Alban silang tatlo lang ang natira sa loob ng kwarto.

“Yes ate, kamusta ang byahe niyo?”

“Ayos naman talagang nagmamadali kami makarating dito. Kaya pala madalas ang itay managinip ng tungkol kay Cham may nagyayari pala sa kanyang masama wala man lang kami alam” malungkot na kwento ni Mylez.

“Oo nga pati si inay lagi daw kinakabahan na hindi niya maintindihan. Minsan daw naiiyak na lang siya ng walang dahilan dahil sa sobrang kaba, grabe naman ang gumawa nito sa kapatid namin walang puso.” Galit na dagdag ng isa pang ate ni Cham si Ading.

“Hayaan niyo po gagawa ako paraan para mahanap ang may sala nito, kailangan niya pananagutan sa batas ang ginawa niya kailangan makulong siya. Hindi ako papayag na walang katarungan na mananaig.” Sa tuwing mababangit ni Brandon ang ganito ay hindi niya talaga maiwasan na hindi makuyom ang mga kamao, gusto niya na makaganti agad-agad sa gumawa nito kay Cham.

“Maraming salamat Brandon ah, ano pala sabi ng doctor? Ano na lagay niya?” tanong ni Ading.

“Buti na lang hindi napuruhan ang mga buto niya ang sabi ng Doctor mukhang nalaglag siya sa isang mataas na lugar meron lang unting minor impact daw sa ulo niya kaya nawalan siya ng malay pero saglit lang daw pwede na siya magising any moment.” Tugon ni Brandon sa dalawa.

“Naku hindi kaya tumakas siya kaya nalaglag siya? San ba daw lugar nakita siya noong mangingisda?” usisa ni Mylez.

“Sabi daw papalaot na sana itong mangingisda na ito ng makita niya si Cham sa loob ng Bangka nito, sa may Batangas siya nakita.” Namilog ang mga mata ng dalawang ate ni Cham.

“Grabe pasalamat na lang talaga tayo at binuhay  pa si Cham. Hay sana magising na siya para malaman na natin sino gumawa nito sa kanya.” Sabi ni Ading habang hinahaplos sa ulo si Cham.

“Walanghiya yun, pag nakita ko lang talaga yun sasampalin ko yun ng paulit-ulit.” Galit na sabi ni Mylez.

***

“Iho manood ka ng balita ngayon dali” utos niya sa alaga.

“Hawak na ngayon ng NBI ang mangingisda na taga Batangas na nakakita kay Chamille Hontiveros ang Accountant ng Alban Publishing na walang malay sa Bangka nito, di umano ay kinidnap ang dalaga noong nakaraan na Anniversary Party ng Alban Publishing sa Makati. Hanggang ngayon ay walang lead ang autoridad kung sino ang may kagagawan sa insidenteng ito. Pero meron bulong-bulungan na  maaring ang Congressman ng Maynila ang sangkot dito dahil sa kasalukuyang kaso ng nasabing Congressman at ng Alban Publishing”

 

Sh*t” napamura ang lalaki sa nakitang balita.

He Robbed My heart (editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin