Round 35

5.1K 159 30
                                    

Sunny's

"Good morning po Ma'am! Pinapabigay po sa inyo." may inabot sakin na bulaklak si Manong Guard.

"Kanino po galing?"

Ngumiti lang ito sakin.

"Bes, may card o? Try mong basahin." singit nitong si Erika

I did what she said.

'This is the start. I told you I gonna swept you off of your feet. Be ready.'

"Pamilyar ang penmanship ah?"

Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti.

"Naku naku! Tigilan mo ako sa ganyan Sunny ha! Ikwento mo lahat sakin. Kelan pa?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Last night. She confessed to me."

Napatili ito ng wala sa oras.

"Hoy! Tumigil ka nga. Pinagtitinginan tayo oh." saway ko sa kanya.

"Sorry na! So ano? Kayo na?"

Umiling ako.

"What? Bakit?"

"She said she'll court me. Gusto ko lang malaman kung pano niya ako liligawan."

"Sus! Pabebe ka rin eh!"

Natawa ako "Bakit ba? Ginawa ko na yun eh dapat gawin niya rin."

"Tsk kaya pala iba ang awra mo ngayong araw eh."

Ngumiti ako.

"Sana magtuloy tuloy na yan."

"Thank you bes."

Dumiretso na kami sa room at hindi ko mapigil ang nararamdaman kong excitement dahil makikita ko siya.

"Oh magpigil ka naman kilig kahit konti. Magtira ka."

Muli ako ay natawa sa komento ni Erika.

Nawala lang ang ngiti ko ng hindi ko nakita sa loob ng room namin kahit na halos lahat na ng classmate namin ay andoon na.

Nasaan naman kaya yun?

Laglag ang balikat kong tumungo sa silya ko.

"Relax, baka late lang." pampalubag niya ng loob ko.

Napabuga ako ng hangin.

Hindi rin talaga maganda ang nag-eexpect tsk.

Maya maya ay nakarinig kami ng nagtatawanan at parang pamilyar yun.

Pumasok sa loob si Ma'am kasama ang kanina ko pa hinahanap.

At mukhang masaya sila.

Nadako ang tingin niya sakin at binigyan ako ng isang ngiti. Hindi ko alam pero nawala ang inis ko dahil magkasama sila.

Yung ngiti niya kasi feeling ko para sakin lang.

Tumungo siya sa silya niya sa unahan at nagsimula na ang klase.

Ngunit muli akong nalungkot ng matapos ang klase. Pano hindi man lang ako nilapitan nito. Lumabas agad ng silid ng walang lingon lingon.

"Baka naman may importante pang gagawin." komento muli ni Erika.

Malungkot na tinungo namin ang sunod na klase.

Napatigil ako ng may mag-abot ng liham sakin.

Nagtataka ngunit tinanggap ko pa rin ito.

'Hi! Oh wag ka munang magagalit ha? Hindi na muna ako magpapakita sayo. Magpapamiss ba? hahaha. See you!'

Kahit papaano nabawasan ang lungkot.

Her Greatest Battle (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon