Round 21

6.4K 172 24
                                    


Sunny's

"So ano nga?!" inilayo ko ang phone sa aking tenga.

Sumigaw daw ba?

"Wala nga sabi akong gagawin!"

Sigaw ko pabalik kay Erika.

Ang kulit kasi! Umagang umaga tinatanong niya ako kung ano daw ba ang balak kong gawin sa pagkagusto ko sa Sky na yun.

May dapat bang gawin?

"Hindi pwedeng wala!"

"At bakit naman aber?"

"Ano? ibuburo mo nalang yang nararamdaman mo na parang mangga? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo eh."

"Bakit hindi? atsaka anong mahirap dun? mas madali nga yun eh. Ndi ko nalang siya papansinin."

"It will not be that easy. Kahit pa itago mo yang nararamdaman mo, there will be times that your own actions will betray you. Hindi mo maiiwasan na mag-alala sa kanya. Hindi mo mapipigilan na gumawa ng mga bagay mapangiti lang siya. Tandaan mo na kapag may gusto ka sa isang tao bawat kilos niya apektado ka. Gusto mo laging mo siyang makikita o makakausap. Now tell me, kelan pa naging madali kapag ang puso at isipan ay nagtalo na?"

Natahimik ako sa mga sinabi niya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago magsalita.

"Wala namang saysay kung magparamdam ako sa kanya. Mahal niya pa kaya yung ex niya."

"Okay, wag ka munang advance mag-isip. Gagawin mo 'to hindi para magustuhan ka niya or what. Ginagawa mo to para sa sarili mo.  Wag mong ipagkait sa sarili mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Kung magustuhan ka rin niya, good yun pero kung hindi edi hindi. Move on. At least kahit papaano naiparamdam mo sa kanya kung gaano siya kaimportante sayo. Sinunod mo yang puso mo. Oo, masakit pero naging masaya ka naman. Worth it."

"But I don't know what to do."

She sighed "Naging bestfriend mo pa ako kung hindi kita tutulungan diba? Pero may isa akong paalala."

"Ano yun?"

"Don't expect too much okay? Alam kong hindi maiiwasan yun pero wag mong sobrahan. Isipin mo nalang na ginagawa mo to para sumaya ka."

Natatakot akong masaktan pero parang mas masakit kung nasaktan na nga ako tapos wala pa akong ginawa.

Alam kong masasaktan ako sa huli pero atleast may ginawa ako. Lumaban ako.

"Okay, gawin na natin 'to."

"Yosh! Hahahaha. Osige magready ka na for school. Magpaganda ka yung tipong mapapanganga siya tapos ako na ang bahala. You'll do what I say. No questions ask." I can see the big smile on her face.

She cut off the call before I can even say goodbye. Mas excited pa ata sakin yun.

Yun nga nagpaganda ako as Erika said. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.


"Oh mu golly! Ang ganda mo!" bungad sakin ng bestfriend ko. Pinasadahan pa niya ako mula ulo hanggang paa.

Kinulot ko ang mahaba kong buhok. Yung big curls tapos medyo ginugulo ko para medyo messy tingnan then light make up lang which is bihira kong gawin.

"Ewan ko nalang kung hindi siya mabighani sa ganda mo."

Natawa ako "Sira!"

"Ayan! Try to smile a lot mas lalo kang gumaganda. Eeeh! halika na excited na akong makita ang reaksyon niya." marahan niya akong hinila patungo sa classroom namin.

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now