Round 15

6.5K 188 3
                                    




Nakatambay ako dito sa ilalim ng puno ng may tumabi sakin.

Napalingon ko.

Si Mico.

"Kelan na tayo magtetrain ulit?"

Mag-one week na kasi kaming ndi nakakapagtrain. Pinapagaling ko lang ng tuluyan ang katawan ko baka kasi bumigay kapag nabigla.

"Himala. Ikaw na ang nagtatanong ngayon."

He shrugged "Hinahanap ng katawan ko yung pagod eh saka naeenjoy ko na rin."

"Mabuti yan at least ndi na ako makakarinig sayo ng reklamo." biro ko.

Natawa ito "Anyways, mukhang okay ka na rin ah." sinipat sipat niya ng ang mukha ko.

Nakasalubong ko kasi siya nung minsan at nakatulad ni Ma'am ay nahalata rin niya ang pasa ko.

Wala akong choice kundi ikwento sa kanya. Iba kasi ang kulit ng isang 'to.

"Dapat sinama mo ako doon eh."

Tumaas ang kilay ko "At bakit?"

"Eh hindi pa ako nakakapanood ng ganun. Parang exciting eh."

"No. Baka mamaya maengganyo ka pa ng gawin yun. Don't you dare Mico kung ayaw mong ako mismo ang bumugbog sayo."

"Hahahahaha kalma! Joke lang eh."

"Hindi ako nagbibiro."

"Fine fine." nagtaas pa ito ng dalawang kamay na parang sumusuko "Alis na ako. Malapit na magsimula ang next class ko."

"Sige. Yung training siguro the day after tomorrow."

"Copy that!" sumaludo ito at nagmartsa paalis.

Napailing ako. Baliw din eh.

Nakasabay ko si Ma'am Gatdula sa library dahil sinoli ko ang hiniram kong libro doon.

"Ang dami namang libro niyan?" pansin ko sa mga dala niya.

"Naghahanap ako ng mga pwede kong ipabasa sa Literature class ko."

"Ow, tulungan na kita." kinuha ko ang halos lahat ng dala niya. Mabigat pero keri naman.

"Salamat. Doon nalang tayo sa faculty."

We started walking.

"So how are you? Mukhang wala ka nang bakas ng pakikipagbasag ulo ah."

"Am doing good. Back to my old routine. Thank God nga wala na eh."

"Mabuti naman. Dapat hindi na maulit ang ganun."

"Hindi na talaga Ma'am. Last na yun promise."

"Siguraduhin mo yan kundi ako naman ang magbibigay sayo ng pasa."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Ha? ah wala naman may naalala lang."

Pumasok kami sa loob ng faculty.

"Pakilapag nalang dyan sa table ko."

I did what she said.

"Hindi ka maglalunch?" I asked.

"No kasi madami pa akong gagawin. Mamaya bibili nalang ako pagkatapos."

"Sure ka? Mahirap magtrabaho kapag walang laman ang tiyan."

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now