Round 34

4.8K 182 15
                                    

"Good morning!" masigla kong bati kay Sunny.

"Good morning. Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Halos magkasunod lang tayo." sinabayan ko siya sa paglalakad.

Ang totoo niyan kanina pa ako dito. Tumambay lang ako dito sa guard house para hintayin siya.

"Si Erika?"

"Malapit na yun."

"Hmm. Nga pala, pupunta ka ba ulit sa bahay mamaya?"

"Bakit?"

"Um p-para kay Lala?"

"I don't know. May kelangan kasi akong tapusing paperworks eh."

"Ah ganun ba? Sige sasabihin ko nalang sa kanya."

"Bakit ba? May nangyari bang masama sa kanya?"

"Ha? wala naman. Alam mo naman ang batang yun attached na masyado sayo."

"Sige try ko ha? pero hindi ako nangangako."

"Good morning Ma'am!" bati ko pagkapasok ko sa room namin.

"Good morning Sky and Sunny."

Ngumiti lang ang kasama ko at dumiretso na sa upuan niya. Ganun din ako.

Sana bumilis ang na oras at dumating na ang dismissal.

"Ate! Parating na daw siya." balita sakin ni Lala. Pinatawag ko kasi siya kay Sunny. Dapat mapapunta niya siya dito sa bahay. May surprise kasi ako.

"Okay, alam mo na yung sasabihin mo sa kanya pagdating dito ha?"

Tumango tango ang bata.

"Sky, ready ka na?" sulpot ni Dom sa tabi ko.

"Yes. Okay na ba ang lahat?"

"Naman! Ako pa ba?"

Huminga ako ng malalim.

"Nervous?"

"Medyo."

"Don't be." she winked.

"Okay, let's go."

Pumunta ako sa rooftop kung saan tinulungan ako ni Dom na magset-up ng isang dinner date.

It will be a surprise date. Sana lang wag siyang magalit dahil inabala namin siya.

Natingala ako. Ang ganda ng langit. Punong puno ng stars tapos full moon pa.

Siya nalang ang kulang at kumpleto na ang gabing ito.

'Hello Sky?'

Dinampot ko ang walkie talkie sa mesa.

"Anong balita?"

"Paakyat na siya diyan! Be ready and good luck!"

Dug. Dug. Dug.

Mas lumakas ang kaba ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng rooftop.

Sa gulat ko ay naitapon ko ang walkie talkie kung saan.

Aww sorry Dom, ibibili nalang kita ng bago.

"Sky?"

Umikot ako para makaharap siya.

"Where's Lala? Pinapunta niya ako dito dahil may emergency daw. Tapos nakita kong yung letter sa pinto na dumiretso ako dito. What's happening?"

Ang daming tanong. Alin ba sasagutin ko?

"Um surprise?"

"What?"

"Ano kasi, wala talagang emergency. It's all my fault. Walang kasalanan si Lala."

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now