Round 22

5.8K 204 41
                                    

Sky's

Rainee became more showy. Pinaninindigan niya talaga ang 'panliligaw' niya sakin.

Andyan pa rin ang mga sulat at pagkain, nitong mga nakaraan may bago.

Inihahatid niya ako sa room ko. She keeps a distance when we walked. Hindi ko siya pinapansin and all.

Parang isang hangin pero hindi ko itatanggi ang awkwardness na nararamdaman ko.

Ako ang gumagawa nito sa kanya dati, hindi ako sanay ng ganito!

Tapos she would pass by my classroom and stay there until I noticed her presence. She would wave then walk with a smile on her face.

Papansin mga bes.

Ang matinde pa, tinutukso ako ng mga classmates ko dahil sa kanya. Anak ng mga feeling close -.-

May time pa na nagbabasa ako sa library ng bigla siyang tumabi sakin. Wala, andun lang siya. Hindi siya nagtry na kausapin ako or something.

Hanggang sa matapos ako andoon lang siya. Then pag-alis ko umalis na lang din siya.

It was like she's making me feel her presence but at the same giving me some space as to not make me feel annoyed.

She really knows me.

Pag alam niyang galit ako, it is better to not talk to me or be yelled at. She just let me cool down and my anger to subside.

May mga pagkakataon kasi na short tempered ako. As in konting tanong mo lang sakin, maiinis na agad ako at matataasan kita ng boses. (This is me mga bes hahahaha - Ren)

Hay.

Hindi ko mapigilan ang hindi maguilty. May mga pagkakataon na gusto kong ibalik ang mga bati niya sakin pero ewan ko ba parang matik na hindi ko siya papansinin.

Ang gulo!

Tinatahak ko ang daan sa room ko. Pumunta kasi ako ng restroom.

May pamilyar na babae ang nakita ko na nakatambay sa isang bench. Mukhang malalim ang iniisip niya

Isa pa to eh, may napansin ako sa kanya nitong mga nakaraan.

Nagpasya ako na lapitan siya.

"Penny for your thoughts?" I said as I sat beside her.

"Anong ginagawa mo dito?" she asked instead.

I shrugged "Nakita kita eh."

She sighed.

"Alam mo may kakaiba sayo. Nitong nakaraan lang parang ang saya saya mo. Blooming ba? tapos ngayon para kang sinakluban ng langit at lupa. May problema ba?"

Umiling siya "Wala 'to."

"Sige, kunwari naniniwala ako."

She glared at me.

"What? Ang tanga naman ng maniniwala sa sinabi mo."

She rolled her eyes "Nagtanong ka pa kung hindi ka maniniwala sa sagot ko tss."

"I'm just testing you kung magsasabi ka ng problema mo."

Tumaas ang kilay niya "Hindi ba pumasok sa isip mo na baka ayaw kong magshare ng problema?"

Luh siya oh!

"Bakit ang sungit mo?"

"Eh bakit ang kulit mo? Pwede ba kung wala kang magawa wag ako ang guluhin mo."

Psh! I'm just trying to help!

Ang sungit sungit!

Padabog akong tumayo at umalis.

Her Greatest Battle (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon