Round 30

5K 153 8
                                    

Warning: Short update at napakawaley po ng chapter na 'to.




"Minsan na nga lang tayo magbonding ganyan ka pa." puna sakin ni Kuya.

Wala akong gana to do things these past days.

"Sorry Kuya." nagbaba ako ng tingin.

"May problema ka, kilala kita."

I sighed.

"At alam ko rin na magsasabi ka kapag ready ka na."

"Thanks." I smiled "Tapusin na natin tapos let's head to arcade and you know what that means right?"

"Hell yeah!" excited niyang pahayag.

Nang maubos ang pagkain namin ay rekta na kami sa arcade at pinuntahan ang paborito naming laro.

Tekken!

"Matalo manlilibre ng sine with food and drinks, deal?" hamon niya

"Deal!"

30minutes din kaming naglaro. Kapwa ayaw magpatalo. Pero sa huli ako pa rin ang nagwagi bwahahahaha.

Nilibre niya ako sa Doctor Strange (watch it guys, maganda siya!)

Buong araw lang kami namasyal. Kain dito, kain doon. Nagpapasalamat ako at kahit papaano ay nakalimutan ko ang naging pag-uusap namin ng father ni Sunny.




Monday.

Pasok na naman.

Lately dumadalas ang pagkatamad ko pumasok which is odd kasi I've always like to go to school ever since.

Isang tahimik na biyahe ang namagitan sa aming magpinsan. I don't feel like talking.

Pinarada ko amg kotse sa usual parking space ko.

"Ayun sila oh! Bilisan mo Sky sabay tayo sa kanila." - Dom

Tiningnan ko ang tinuro niya. Yung magbestfriend sa tabi ng kotse ni Sunny.

Napansin ko rin yung bodyguard niya na kahit medyo malayo at may shades siya ay alam kong ako ang tinitingan nito.

"Nah mauna ka na. May dadaan pa ako." bumalik ako sa loob ng kotse at kunwaring may hinahanap.

Tinigil ko lang yun na umalis siya.

This will be hard.

Dahil maaga pa naman ay dumiretso ako sa faculty.

"Good morning Ma'am." pinuntahan ko si Ma'am Gatdula sa table niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Grabe naman bungad yan Ma'am. Sabay na tayo pumasok sa klase niyo."

May mga inaayos siya na papel sa table "Dumadalas ka dito sa office, crush mo talaga ako no?"

"Ayan na naman tayo Ma'am eh. Feeling ko talaga kayo may crush sakin eh." I grinned.

Pinitik niya noo ko "Asa. Dalhin mo yun." turo niya sa isang box na naman.

"Libro na naman?"

"May reklamo ka?" taas kilay niyang tanong.

"Wala Ma'am." ismid ko.

"Good. Tara na." nagpatiuna siyang maglakad.

"Ma'am sabay tayong maglunch?"

"Libre mo?"

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now