Round 10

6.8K 179 24
                                    

Surprise update yay! Hahahaha 😂😂😂




"Jab! Straight! Jab! Straight! Okay pahinga ka muna. Mamaya may makakasparring ka." instruct ko kay Mico.

"What?!" halata sa mukha niya ang panic.

"Oh kalma lang. Hindi naman kita hahayaang mabugbog no. Titiningnan ko lang yung speed mo when it comes to real combat."

"Siguraduhin mo yan ah?"

"Oo." napatingin ako sa entrance nitong gym. Ang tagal naman nun.

Mga ilang minuto pa ay dumating na ang kanina ko pang hinihintay.

Sinalubong ko siya "Ang tagal mo."

She pants "S-sorry, tinanghali ako ng gising."

"Tss. kung ano ano kasi pinaggagawa mo. Sunod ka sakin."

Lumapit kami kay Mico na namamahinga sa gilid ng ring.

"Okay ka na Mics? Si Dom ang sparring partner mo."

He turn to her shocked "Nagbox ka rin?"

"Yup! Partner kami ni Sky noon sa training." magiliw na sagot nito.

"O simula na tayo. May pasok pa ako mamaya."

Ako ang nag-ayos sa gloves ni Dom.

"Kalmahan mo lang ah? One week pa lang yan nagtetrain." paalala ko.

Tumango ito.

"Sige warm up ka muna."

Doon naman ako sa isa lumapit "Don't hesitate to hit her okay? Pretend na it's a real fight. Sige akyat na dun."

Ilang saglit pa ay dinaluhan na siya ni Dom sa loob ng ring.

"Ready? Fight!"

They did a fighting stance and wait for the right time to hit each other.

Nauna si Mico. Sumuntok siya pero nailagan ito ni Dom. Hindi pa muna umatake ang huli. Tinatantiya niya pa ang kalaban.

Sumuntok muli ang lalaki pero nakaiwas muli ang babae. Makikita mo ang frustrations sa mukha ni Mico.

Sumuntok muli siya at muli itong umiwas pero nakatanggap ang lalaki ng isang tagiliran. Hindi pa ito nakuntento hinawakan ang braso at ibinalibag ang lalaki.

Agad akong umakyat sa ring para itigil ang laban.

"Oy sabi ko naman sayo kalmahan mo lang eh." hinawakan ko siya sa braso.

Pero katulad ng ginawa ni kay Mico ay ibinalibag niya rin ako. Bumagsak ako pero mabilis ko naman naikawit ang paa ko sa leeg niya at hinawakan ang kamay niya.

In one swift move, she's down while I push upward her arms and downwards her upper body using my legs.

She tapped the her hand "Oy joke lang!"

Pinakawalan ko siya "Never in a million years Dom." I said as I lend her a hand.

She chuckled "Eto naman! Namiss lang kaya kita kasparring."

"Next time."

Nilapitan ko naman si Mico na sa labas na ng ring.

"Hey okay ka lang?"

"Oo."

"Oy Mico, nasaktan ka ba? sorry ah namiss ko lang kasi ang ganito. Hindi ako nakapagtrain simula nung nagloko ang isang 'to."

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now