“Please h'wag... Huwag kang susunod sa gusto niya.” wala akong pake kung nagmumukha akong kawawa.


sandali siyang natahimik. Kumunot ang noo ko. Hindi ko gusto ang ganitong pagiging tahimik niya.


“Nagdesisyon na ako. I'm sorry.” tumayo siya at naglakad palayo sakin.


Nakikita ko nalang ang sarili ko na umiiyak. Ayoko di ako papayag.



“Hell!” napahinto siya ng batuhin ko siya ng tsinelas sa ulo. Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.


Pero... Tinanggal niya 'yon. Para akong napapraning dahil ubos lakas ko siyang dinala sa kotse ko.

Hinalikan ko siya kahit na feeling ko mawawalan ako ng malay. Alam ko na agad ang susunod na mangyayari dahil gumaganti rin siya ng halik sakin.

“Huwag mo 'kong iwan please...” mahina kong bulong kahit na patuloy na umaagos ang luha ko.

“Mali 'to ” aniya at tumigil sa paghalik. Bago pa ako magreact biglang may tumamang malaking bato sa salamin ng kotse ko kaya nabasag ito.


“Dad.”mahina kong bigkas. May dala siyang baril.

Alam kong nakita ni Hell 'yon pero tahimik lang siya na nakatingin sa harapan.

Agad kong inistart ang kotse ko at mabilis na pinaandar. Nakakatakot ang aura ni Daddy. Alam kong sobra siyang nagagalit ngayon.

“Hayaan mo na akong patayin niya.”

“No!” sambit ko nang may galit sa tono ko. Naiinis ako kay Hell.

“Hindi niya tayo titigilan.”

Tumingin ako sa side mirror at nakita ko ang dalawang sasakyan na kasunod namin.


Mas binilisan ko pa ang pagdrive hanggang sa niyakap ako ni Hell.


Tangina!

Pumikit ako at yumakap rin sa kaniya nang makita ko ang isang humaharurot na truck papalapit samin.



@#$%&




---


Janelle

“Skie!” nakita ko ang dugong lumalabas sa mga kamay niya habang pumupulot ng bubog.


“Ako na riyan!” nagsuot ako ng gloves at pinulot 'yon.

“Nabasag yung baso. Masama ang kutob ko.”

“Ts, hindi totoo 'yan. Tanga lang talaga yung baso kaya nahulog.” pinilit kong magpatawa pero nanatili parin siyang seryoso. Hays, pati tuloy ako kinakabahan na rin.

“Isuot mo 'to ” binigay niya sakin ang suot niya jacket.

Sumunod ako sa kaniya na sumakay sa kotse.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Kay Dad” tumahimik nalang ako at tumingin nalang sa paligid na nadadaanan namin.

Hindi ko alam ang pinaplano ng daddy niya pero natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Napatingin ako kay Skie nang hawakan niya ako sa isang kamay.

“Hindi kita iiwan,Pangako.” ngumiti ako at inilahad sa kaniya ang hinliliit ko.

“I'll trust you.” mas lumawak pa ang ngiti ko nang idikit niya rin ang daliri niya.

“Sandali,”

“Hmm? Fvck!” mura ko ng may dugo akong nakita sa dinadaanan namin. Napakarami rin ng tao.


Biglang lumabas si Skie at pumunta roon. Bumaba rin ako ng sasakyan.

“H-heaven...” nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang inilalagay sa sasakyan ng ambulansya.


“Tangina! Heaven ano bang nangyari sayo! Hindi ka nagiingat.”

“Kuya... Si Hell” may konting dugo na lumalabas sa noo niya.


“Nasaan yung isa niya pang kasama?” tanong ni Skie sa isang nurse na nagaasikaso.


“Lalaki po ba?” tanong naman nito.

Konting sugat lang ang natamo ni Heaven pero grabe ang sinapit ng kotse niya.

Hindi ako makapaniwalang nangyari 'to. Ilang oras palang kami nagkakahiwalay.

“Janelle... Si Hell nasaan?” tanong niya. Kinalabit ko naman si Skie.

“Ayan na yung nurse. May kinonfirm lang.” sambit ni Skie.


“Sir lalaki po ba yung kasama ni Miss Shin?”

“Oo” sagot ni Skie. Tumango naman ako.



“Ah, may natagpuan po kasing Dead on the spot. Dinala na roon sa funeral.”

Dead on the spot?!

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now