Chapter 64

45.2K 1.5K 25
                                    

Chapter 64

DARREN'S POV

Ang ganda ngayon ni Sophia sa suot niya kaya hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya. Simula nung nilalayuan ko siya umiiwas na rin siya sa akin. Pero bakit gano'n pakiramdam ko na-fall na talaga ako sa isang nerd na gumanda katulad niya.

"Tch!" bigla kong bigkas kaya napatingin silang lahat sa akin.

"May problema?" tanong ni Ate Mimi kaya agad akong umiling.

"Ha? Wala." Mabilis ko ulit sinulyapan si Sophia pero napakabilis lang talaga no'n.

"Okay! Bumunot kayo ng tig-iisang papel dito." Pinagpasa-pasahan namin 'yung garapon na may lamang papel at bumunot kami ng tig-iisa. "Sige, basahin n'yo 'yung nakasulat sa papel na nabunot n'yo. Uunahin ko na 'yung akin. Dare." sabi ni Ate Mimi.

"Dare." ani Ozu.

"Dare." Ako."

"Truth." Sophia.

"Truth." Ehdrey.

"Dare." Ezikiel.

"Dare." Zyren.

"Dare." Darren.

"Okay, so, alam n'yo naman siguro 'yung larong spin the bottle, right?" tumango kaming lahat. "At dahil dare ang nabunot ng karamihan, ang matatapatan nitong bote, gagawin ang iuutos ng bawat isa. Gets?" tumango ulit kaming lahat. "Okay! Simulan na nat—"

"Wait lang Ate Mimi! M-Mag-cr lang ako," biglang pigil ni Ehdrey.

"A-Ako rin Ate Mimi," singit naman ni Sophia sabay hatak kay Crystal sabay alis nilang tatlo.

"Ah! Ate Mimi ako rin," sabi ni Zyren kaya ano pang hinihintay ko syempre magbabanyo na rin muna ako baka kasi mamaya sa akin mapatapat 'yung bote.

"A-Ako rin Ate Mimi." Mabilis akong tumayo at sumama kay Zyren.

"Hoy! Hintayin n'yo naman ako!" rinig naming sigaw ni Ozu kaya sinama na rin namin siya.







MIMI'S POV

"Anong nangyari sa mga 'yon?" nagtataka kong bigkas. Para kasi silang tumatakas sa laro. Pagtingin ko naman dito kay Ezikiel tumatawa siya ng mahina habang umiiling. "Hm... something is fishy," sabi ko ulit sabay tango naman ni Ezikiel. Tinignan ko lang ang direksyon nila. Humanda sila sa games mamaya.





CRYSTAL'S POV

"Anong sinabi mo?" gulat ko. Ba naman, kinuwento ngayon sa akin ni Sophia 'yung lahat ng mga nangyari kina Ehdrey at Zyren. "I-Ibig sabihin, ikaw Sophia kay Darren at ikaw naman Ehdrey kay Zyren?" tumango-tango silang dalawa. "Grabe! Nagugulat ako sa inyo, ah!" sambit ko.

"I think gusto ko na siya, Crystal," bunyag ni Ehdrey kaya napaisip ako.

Ibig sabihin, hindi nila alam na may gusto sila sa isa't-isa. Kinuwento rin kasi sa akin kanina ni Ozu 'yung mga napag-usapan nila ng mga King kanina sa restaurant. Hindi ko nga sinasabi kay Sophia na may gusto na rin si Darren sa kanya gano'n din si Zyren kay Edhrey. Pero sana silang dalawa na 'yung makapagpatino sa Chick Magnet King at Playboy King.

"Hoy Best friend! Parang ikaw 'yung kinikilig diyan, e." Tinapik ako ni Sophia kaya bumalik ako sa ulirat ko.

"Pasensiya naman." Awkward akong ngumiti sa kanila.

Tama! 'Wag ko nalang sabihin sa kanila 'yung kinuwento sa akin ni Ozu. Hahayaan ko nalang na umamin sila sa isa't-isa. I-chi-chika ko nalang ang tungkol dito mamaya sa asawa ko. Palihim tuloy akong kinilig para sa kanilang apat.

"Kinakabahan ako sa larong 'yon," nakangusong sabi ni Sophia.

"Gano'n din ako," wika naman ni Ehdrey.

"Ano ba kayo? Carry lang 'yan. Tara na at simulan!" Hinatak ko sila papalabas ng banyo. Gusto ko na kasi malaman kung anong mangyayari sa laro.



OZU'S POV

"Dre, paano kung sa akin mapatapat 'yung bote?" nag-aalalang sabi ni Zyren.

Napailing nalang ako. Ang mga King sa wakas tumuntong na rin sila sa stage ng true love. Dati ako 'yung pinapayuhan nila tapos ngayon sa akin lumalapit 'tong dalawa. "Eh, ano kung sa 'yo mapatapat 'yung bote?" sagot ko. Nandito pa kami sa loob ng banyo.

"Damn, 'wag n'yo akong uutusan about do'n kay Ehdrey dahil hindi pa ako handang magtapat do'n," aniya.

Mukhang natauhan na siya ro'n sa pinagmamalaki niyang girlfriend dati. Hiniwalayan na niya kasi 'yon dahil nga kay Ehdrey. "Ayaw mo no'n mapapadali," sagot ko ulit.

"Hay! Lalong 'wag n'yo sa aking gagawin 'yon dahil 'di na kayo masisikatan ng araw dalawa bukas," pagbabanta naman ni Darren.

"Hoy! Bakit ba ang tagal n'yo diyan?!" sigaw ni Ate Mimi mula sa labas sabay kalampag sa pintuan nitong CR.

"Pambihira 'to si Ate Mimi hanggang dito sinusundan tayo," angal ni Zyren sabay sapo sa ulunan niya.

Halatang kinakabahan ang mga ugok.

"Paano ba naman mga dre, ang tagal na kaya natin dito sa CR. Mga ulol lumabas na tayo." Hinila ko na 'yung dalawa papalabas.

"Parang gusto ko nalang matulog mga dre, madami na rin kasi 'yung naiinom natin," pagpapalusot ni Zyren.

"Parang nasakit ulo ko," dagdag pa ni Darren.

"Mawawala 'yang mga amats n'yo sa laro," pangungumbinsi ko.


*****

NAKAPALIBOT na kaming lahat ngayon sa lamesa habang naghihintay kung anong kalalabasan nitong laro. Tila naman kabado 'tong apat dahil baka sila ang maikutan ng bote.




MIMI'S POV

Napatingin ako sa kanilang lahat. Mukhang serious game ang mangyayari ngayon. Tignan natin kung may mapaamin tayong couples.

"Okay! Let's get started!" sigaw ko sabay pinaikot ko na ang bote kaya nakatutok na ang lahat do'n ngayon.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomWhere stories live. Discover now