Chapter 23

54.8K 1.7K 18
                                    

Chapter 23


Makalipas ang isang linggo...

OZU'S POV

Tahimik ang lahat ng mga impliyado namin ngayon dito sa Kang Tower habang naglalakad ako papunta sa stage upang magpakilala sa kanila bilang bago nilang magiging Boss.

Halata ang kaba sa mga mukha nila nang makita nila ako. Inayos ko ang mikropono at itinapat ko ito sa bibig ko.

"Hello! Everyone," una kong pagbati sa kanila kaya nagbigay galang sila. "I'm Ozu Kang—the new C.E.O of Kang Tower and I am the only son of the family. I just wanted to say, if you break my rules you'll be fired."

Wala man lang nakakibo kahit isa sa kanila matapos kong sabihin 'yon. Sandali ko pa silang tinignan saka na ako tuluyang bumaba ng stage. Hindi ko na pinahaba pa ang sinabi ko.

"Mukha ngang malupit 'yung bago nating Boss."

"Mukhang hindi magiging madali 'yung trabaho natin."

"Talaga bang siya na 'yung papalit?"

Halos marinig ko ang mga bulong-bulungan nila pero hindi ko na lamang pinansin 'yon.




Shining Company...

CRYSTAL'S POV

"That's good, Miss Crystal," manghang-mangha na sabi sa akin nung cameraman habang nasa photoshoot ako.

"Your smile is great!" sabi naman ng Manager ko. Pose rito, pose roon, ayan ang ginagawa ko ngayon.

"This is so amazing!"

Ibinigay ko ang lahat ng magagandang postura para sa araw na 'to dahil ang tagal ko nang nawala rito sa Shining Company simula ng magtrabaho ako sa Amerika.

"Ok time's up!" sigaw ng Manager ko dahil tapos na ang photoshoot ko ngayong araw. "Crystal, hindi mo talaga kami binibigo pagdating sa trabaho. See you tomorrow!" Nakipagbeso siya sa akin tapos iniwanan na nila ako.

Nang lumabas naman ako ng pictorial room nakita kong naghihintay na pala sa akin dito si Ozu. I smiled and I kissed him nang malapitan ko siya. 'Yung normal lang na ginagawa ng mag-asawa kapag nagkikita.

"Omg, ang sweet nila."

"True. Kinikilig tuloy ako."

Narinig naming bulungan ng mga tao kaya nagkatinginan nalang kami ni Ozu habang nakangiti.

*****

Nandito na kami ngayon sa kotse.

"Ozu Kang?" Nakatingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Hm?"

"How's your first day?" sa trabaho niya sa Kang Tower 'yung ibig kong sabihin.

"Ah, okay lang naman," nakangiti niyang sagot. Naguwapuhan ako sa kanya. "Ah, bukas baka hindi muna kita masundo kasi busy ako sa trabaho."

"It's okay, ako nalang ang bibisita sa 'yo ro'n." Pinagmamasdan ko pa rin ang mukha niya.

"Aasahan ko 'yan. Isama mo nalang si Balat para hindi ka palaging nag-iisa. By the way, malapit na tayo." Tumango nalang ako.

Makikipagkita kami ngayong araw sa mga King at naghihintay na sila doon sa amin sa Restobar.

Nang makarating kami rito siyang pasok namin sa loob at nakita nga naming kompleto na silang lahat.

"AYON!" Sigawan nila nang makita kaming dalawa. Nandito nga rin pala sina Moira at ang mga GF nina Zyren at Darren.

"Hi! How are you?" Bati sa akin ni Moira sabay nagbeso kaming dalawa.

"I'm fine. Hi!" Sagot ko sa kanya. Bumati na rin ako sa mga GF nung dalawa. Tapos umupo kami palibot sa lamesa at magkatabi kami ni Ozu, Moira, at si Ezikiel. Nagtatawanan at nag-uusap-usap kami dahil medyo matagal na rin ng huli itong mangyari.

"Congrats kay Pinuno! He is the youngest C.E.O of Kang Tower from now on!" Pagkasigaw nito ni Zyren nagsigawan ang lahat.

Napangiti naman si Ozu at nagreact lang siya na deserve niya 'yung sinabi ni Zyren.

"Crystal, dapat magkababy na kayo ni Ozu, ha?" ani Moira kaya nagkatinginan tuloy kami ni Ozu.

"Umh," tumango naman ako habang nakangiti. Nahihiya nga lang ako kasi private na namin 'yon.

"Wala na tayong problema riyan kina Pinuno. Kayo Ezikiel, kailan kayo magpapakasal ni Moira?" Kantsaw ni Darren. Tapos bigla namang nagpout itong si Moira kay Ezikiel.

"Don't worry I have planning to do that." Pagkasabi nito ni Ezikiel napatakip naman ng mukha si Moira at halata namang kinikilig siya. Tapos nagsigawan 'yung mga King kaya nakisigaw na rin ako.

"Congrats!" Bati ko sa kanya at naghawak kamay kaming dalawa. Tapos tumatango-tango siya habang magkangitian kami. Magkasundong-magkasundo na kami ngayon ni Moira.

"E, kayong dalawa? Kailan kayo magtitino, ha?" Binalingan ni Ozu nang tingin sina Darren at Zyren.

"Well, all girls are my toys for me. So, I don't have any plans as long as I enjoyed my personal life," sagot ni Zyren sabay nag-ilingan nalang kami.

Bad talaga siya. Playboy King talaga. Tapos napatingin naman kami sa isa pang babaero na si Darren, o kilala namang Chick Magnet King.

"Woah! Don't stare at me like that. Until now I'm not yet get serious 'to my girlfriend, okay?" Pagkasabi niya no'n nakatikim siya ng isang malakas na sampal sa katabi niyang babae kaya nagulat kami.

"What did you say?!" Iritableng sigaw nung babae sabay nagdabog paalis kaya naiwanan namang napailing si Darren.

"Wow!" 'Yon nalang 'yung nasambit niya pagkaalis nung girlfriend niya habang nakahawak pa rin siya sa namumula niyang pisngi.

Tapos nagtawanan ang lahat saka siya kinantsawan. "Oh, ano? Masarap, dre?" kantsaw ni Ozu sa kanya habang tumatawa.

"Mabuti nalang at 'di nakatikim si Zyren no'n," sabat naman ni Ezikiel habang tuloy pa rin kami sa pagtawa.

"Ano ba kayo? Nagkakaintindihan kami nitong GF ko," pagmamalaki niya kaya't napailing nalang ulit kami.

Hindi ko alam kung hanggang kailan magtitino itong mga 'to at kung sino 'yung mga babaeng magpapatino sa kanila. Sana nga dumating na.

Mabuti na nga lang talaga hindi gano'n si Ozu at si Ezikiel. Hayaan nalang na silang dalawa nalang 'yung maging babaero tutal nasa pagkatao naman na nila 'yon.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon