Chapter 13

57.5K 2K 118
                                    

Chapter 13


"Pangit?" Paglingon ko sa kaliwang banda ko—malapit pala sa kusina si Ozu. Nakatayo siya ro'n habang ako naman nakaupo sa isang sulok at nanginginig sa takot.

"Bakit ka sumigaw?" taranta niyang tanong nang lapitan ako.

"May nakita ako!" nakatakip pa rin ako ng mukha habang umiiyak.

"Ha? Saan?" Lumabas siya ng pinto at tinignan ang buong palibot ng bahay. "Wala namang tao sa labas. Halika nga rito." Inalalayan niya ako papunta sa sofa at tinabihan niya ako.

"May multo," bunyag ko.

"Ano ka ba, wala nang multo sa panahon ngayon." Pinupunasan niya 'yung luha ko habang tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Eh, paano ka nakakasigurado?"

"Basta! Bakit ka pala napababa rito?"

"Bibigyan lang naman sana kasi kita ng kumot, e," nakita kong napangiti siya. Mayamaya pa tinatawanan na niya ako. "Ano ka ba! Ikaw na nga 'tong inaalala." Hinampas ko siya.

"Okay, okay, salamat. Mabuti nalang at binigyan mo ako nito dahil ang lamig pala rito. Ang bait talaga ng wifey ko," sabi niya habang pisil-pisil ang magkabila kong pisngi.

"Saan mo naman nakuha ang word na 'yon?" Nagpunas ako ng luha ko.

"Alin 'yung wifey?" tumango nalang ako. "Sa Tv,"

"'Wag mo nang ulitin."

"Ha? Bakit naman?"

"Marami nang nagamit no'n."

"Sige, ikaw ang bahala. Mas maganda pa rin 'yung pangit 'no?" Bigla ko siyang binatukan. "Aray ko! Ang sakit no'n, ah!" angal niya.

"Matulog ka na." Tumayo na ako para sana umakyat sa taas pero bigla niya akong hinila paupo sa sofa kaya magkatabi ulit kaming dalawa ngayon.

"Mas makakatulog ako kung nandito ka sa tabi ko." Humiga siya sa lap ko na siya kong kinagulat.

Nakita kong ipinikit na niya 'yung mga mata niya kaya nakatitig lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ko lang ngayon 'yung guwapo niyang mukha at unti-unti hinawakan ko ang buhok niya. Hinihimas ko 'yon para makatulog siya.

Napapangiti naman ako dahil sa ginagawa ko sa kanya. Kinikilig na naman ako dahil hindi ko kasi akalaing ang sweet pala talaga siya.





*****

Kinabukasan...

OZU'S POV

Nakangiti akong bumangon habang nag-uunat. Pero sa pagdilat ng mga mata ko wala na pala si Pangit dito sa tabi ko kaya madali ko siyang hinanap.

Bigla tuloy akong na-alerto. Nasaan na kaya siya?

"Pangit?" Nang bigla akong mapatingin sa dagat dahil may naaninagan akong tao mula ro'n.

Pero nang mapagtanto kong si pangit 'yon napanganga ako. Tumulo pa nga yata 'yung laway ko nang matitigan kong nakaswimsuit siya.

"Ang sexy ng Pangit ko," wala sa sarili kong sabi habang pinagmamasdan ang hubog ng pangangatawan niya.

Nagmadali kong kinuha 'yung cereal na nakahain sa lamesa pati 'yung gatas saka ako lumabas.

Naupo ako sa balcony at pinapanuod ko lang siya mula rito.

"Para akong nanunuod ng palabas sa TV," patawa-tawa kong sabi.

"Ang sexy ni Pangit 'no?" may biglang nagsalita mula sa likuran.

"Oo, super nakakapanggigil," sagot ko sa kanya habang ramdam kong tumutulo na iyong gatas sa short ko pero hindi ko rin pinapansin 'yon. "Ang ganda niya talaga," nakanganga kong bigkas.

"E 'di, ang suwerte mo niyan tuwing gabi?"

Napakunot-noo ako nang makilala ko ang dalawang boses na sumasagot sa mga sinasabi ko kanina pa. Kaya nang sa paglingon ko nagulat ako nang makita ko 'tong tatlong ugok dito sa likuran ko.

"Yaah! Anong ginagawa n'yo rito!" Halos magkanda tapon iyong bitbit ko.

"E 'di, binibisita ka," ani Darren.

"Kayo ni Pangit," dugsong pa ni Zyren kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na 'wag n'yo siyang tatawaging Pangit? Sa akin lang siya!" bulyaw ko sa kanila.

"Hindi naman namin siya inaagaw sa 'yo. Ikaw talaga, Pinuno," sumasagot na sabi ni Darren kaya napangisi ako.

"Ang sexy niya, tignan n'yo," sabat naman ni Ezikiel kaya napatingin kaming apat sa kinaroroonan ni Crystal.

Nang bigla akong matauhan. "Mga ulol! Pagpapantasyahan n'yo pa asawa ko!" Hinawi ko sila isa-isa at nagmadali akong kumuha ng tatlong tuwalya para balutan si Pangit.

Nagmadali akong pumunta sa dagat.

"Pangit, ibalot mo 'tong tatlong tuwalya sa katawan mo," utos ko sa kanya.

"Ha?" naguguluhan siya pero hinayaan ko lang 'yon.

"Hay, ano ba, Pangit! Dapat ako lang makakita sa katawan mo. Nandiyan ang mga King kaya halika rito!" Mabilis ko siyang binalot.

Nang mapatingin naman ako sa tatlong ugok pinagtatawanan nila ako.

"T-Teka Ozu, ano bang ginagawa mo?"

"Basta ginagawa ko 'to para sa 'yo."

"Ha? Pero hindi na ako makahinga," angal niya.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon