Chapter 59

50.2K 1.5K 112
                                    

Chapter 59

ZYREN'S POV

Agad umalis 'yung babaeng hinalikan ko nang biglang dumating si Darren. "Woah! Mukhang nag-enjoy ka ro'n, ah?" sabi niya.

"Tch! Storbo ka nga, e." Sabay kaming naupo sa puwesto ko kanina. Nag-order ulit ako ng alak at uminom kami.

"Kilala mo ba 'yon?" 'Yung babaeng hinalikan ko kanina 'yung tinutukoy niya.

"Hindi. Pero kung sino man siya, kapag nagkasalubong kami kahit saang parte pa ng sulok ng mundo, humanda siya sa akin." Tumango-tango lang siya at muling sinulyapan ang front door kung saan doon tumakbo paalis 'yung babae. "Nga pala, saan ka ba nagpunta? Sayang at may reto pa naman ako sa 'yo kanina."

"Ayos lang, ano ka ba! Nag-enjoy naman din ako sa ginawa ko kanina."

"Talaga? Sinong babae naman 'yan?"

"'Wag mo na munang alamin, next time nalang."




SOPHIA'S POV

Nandito ako sa kuwarto ko ngayon habang nagpapagulong-gulong rito sa higaan ko. Hindi kasi maalis sa isipan ko 'yung mga nangyari kanina sa amin ni Darren.

"Balat! Hindi ka dapat ma-in love sa kanya. Tandaan mong babaero siya. Babaero siya. Babaeryo siya at masasaktan ka lang sa kanya," sabay buntong hininga ko. Tama! Matulog ka na!


*****

Kinabukasan, feeling ko ang lalaki ng mga eye bags ko ngayon. Ginising kaagad ako ni Ate Mimi nang tumawag siya sa akin kanina. Kailangan ko na raw bumalik sa Shining Company at may ipapagawa raw ulit siya sa akin.

Nang magkita kami rito sa dressing room ko abot tainga ang bungad niya sa akin. "Grabe, ah! Pinabilib mo ako ro'n, Balat. Tch! Tch! Palagay ko isang araw 'di na ako magtaka na manligaw sa 'yo 'yon si Darren."

Nang sabihin 'yon ni Ate Mimi agad tuloy bumalik sa isipan ko 'yung mga nangyari sa amin ni Darren kagabi.

"Will you be my girlfriend?" Palagay ko naman niloloko niya lang ako nang sabihin niya sa akin 'yon. Sa totoo lang gusto ko na ngang 'wag siyang lapitan dahil baka ako ang mahulog sa patibong na 'yon.

"Oh siya! Magbihis ka na at may pictorial ka pa. Pero pagkatapos niyan, may ipapagawa ako sa 'yo mamaya para kina Moira at Nana."

"Okay po." Matamlay akong naglakad papasok ng cr sabay buntong hininga. Sana naman matapos na 'tong revenge na 'to at sana bumalik na sina Crystal dito.

Kumusta na kaya sila ni Ozu? Hindi man lang sila natawag sa akin.




ZYREN'S POV

Habang nagsho-shower ako hindi ko maiwasang hindi maisip 'yung babaeng sumampal sa akin kagabi. Hindi ako no'n pinatulog. Iniisip ko kung may nagawa ba ako sa kanya. Wala akong natatandaan na minsan ko na siyang nakasama. Pero sa tingin ko isang simpleng babae lang 'yon dahil sa pormahan niya. Parang naligaw lang.

"Nababaliw ka na Zyren!" sabi ko sa sarili ko sabay buntong hininga.




SOPHIA'S POV

Sabi ni Ate Mimi sundan ko lang daw sina Moira at Nana ngayon kung saan man sila magpunta. Dapat ko raw hadlangan kung ano man ang gagawin nila. Siguro naman kaya ko na 'tong mag- isa.

Fighting lang Sophia, kaya mo 'yan!

Nandito ako sa loob ng kotse. Pinahiram 'to sa akin ni Ate Mimi kasama ng driver niya. Nakasilip ako ngayon kung saan nakikita ko 'yung dalawang bruha na nagpapalamig sa isang maliit na resto.

Palagay ko nagtitipid na 'tong dalawa. May dala silang envelope. Di ko alam kung anong laman no'n pero kahit ano pa 'yon, o anong gagawin nila, susundan ko pa rin sila at makikita nila 'yung bagsik ng revenge ko bilang isang Balat na best friend nang pinatayan nila ng anak.

Bigla silang tumayo at umalis. Pinasunod ko naman dahan-dahan 'tong kotse. Nang bigla silang huminto sa isang tapat ng building at kinausap nila 'yung guard saka sila tuluyang pumasok sa loob.

Kaagad akong bumaba ng kotse at kinausap ko rin 'yung guard na kinausap nila kanina para sundan sila.

Tinanong ko lang naman kung anong mayroon sa building na 'to at napag-alaman kong 'yung nasa 13th floor nito ay isang company na tumatanggap ngayon ng mga modelo. Ibig sabihin naghahanap na sila ngayon ng matatrabahuhan nila.

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomWhere stories live. Discover now