Chapter 6

69.7K 2.1K 45
                                    

Chapter 6

MIMI'S POV

Nag-iinuman kami ngayon nina Mini, Darren, at Zyren sa bahay pwera lang kay Ezikiel dahil kasama niya ngayon ang girlfriend niyang si Moira.

Nagkakatuwaan kami ngayon. "Siguradong makakabuo na 'yon ngayon si Ozu," turan ni Darren kasabay ng pag-evil smile niya.

"Dinamihan ko kaya nang lagay ng sex arousal pills 'yung inumin niya kanina nang hindi niya nalalaman kaya sigurado 'yon," hayag naman ni Zyren habang patuloy kaming nagkakatuwaan.

"Hmm, sigurado akong magkakapamangkin na ulit ako," sabi naman ni Mini, ang kakambal ko.

"Russel, anak!" tawag ko naman sa baby boy ko na naglalaro 'di kalayuan sa amin. "Magkakapinsan ka na," masaya kong bigkas.





*****
Kinabukasan...

CRYSTAL'S POV

Napaupo ako nang maramdaman kong masakit ang katawan ko. Nakapikit pa ako habang iniikot-ikot ko 'yung balikat ko nang maramdaman kong parang hinahangin ang buo kong katawan kaya tinignan ko ito.

Ngunit laking gulat ko nang hubo't-hubad kong nakikita ang katawan ko ngayon nang pagmasdan ko ito mula sa loob ng kumot.




OZU'S POV

Napaupo ako sa kama habang nakapikit pa at nakahawak sa ulunan ko. "Hay, bakit parang ang sakit yata ng ulo ko," turan ko.

Nang sa pagdilat ko nagulantang ako nang makita kong katabi ko si Pangit ngayon na gulat ding nakatingin sa akin.

Mabilis kong tinignan ang sarili ko nang mapansin kong hubo't hubad pala ako na siyang dahilan para magulantang kaming dalawa.

"Aaah!" sigaw namin pareho sabay hilahan ng kumot.

"B-Bakit wala akong damit Ozu Kang?!" bulyaw niya.

"H-Hindi ko alam! Bakit ka ba sumisigaw e wala rin naman akong damit, ah?!" ganti ko sa kanya.

"Aaah! Anong nangyari?!" sigaw niya ulit nang muli ko namang balikan sa isipan ko kung ano 'yung mga nangyari sa amin kagabi.

Hanggang sa mariin kong naipikit ang mga mata ko.

Sh*t! May nangyari nga sa amin!

"Hoy! Ozu Kang! 'Wag mong sabihing—aah!" Hinila niya 'yung kumot nang takpan niya ang mukha niya.

"Ano ba! 'Wag mong hilahin 'yung kumot!"

"Eh, 'yung damit ko? Nasaan ba 'yung damit ko?!"

"H-Hindi ko alam! Baka nandiyan lang 'yon!"

Mukha kaming tangang nagsisigawang dalawa kahit magkatabi lang naman kami sa kama.

Tumingin-tingin naman kami sa ibaba ng sahig at nung makita nga namin ang mga nagkalat naming damit muli na naman kaming napasigaw.

Halos dumagundong ang buong kuwarto sa pagsigaw namin. "Abutin mo 'yung damit ko bilis!" utos niya sa akin.

"Eh, paano ko nga makukuha 'yon wala rin akong short," pagpapaliwanag ko.

"Eh, anong gagawin natin? Aaah!"

Mas lalo yatang sasakit ang ulo ko ngayon kaya napahawak ako sa sintido ko.

"Magtakip ka ng unan! Kukuhain ko 'yung mga damit ko," sabi niya.

"Ha? Nababaliw ka na ba?"

"At bakit naman? Anong gagawin natin dito maghapong tayong ganito?"

"Tch! Oo na! Sandali, 'wag mong hihilahin agad 'yung kumot. Doon ka tumingin sa malayo at 'wag sa akin," sumimangot lang 'yung mukha niya pero sumunod naman siya.

Natakpan ko na ang buong paligid ng bewang ko.

"Sige na, hilahin mo na," utos ko sa kanya at nang hilahin niya ito nakakita ako ng dugo sa kama kaya nilihis ko nalang 'yung tingin ko rito.

Nakuha ko nga 'yung pagkababae niya.




CRYSTAL'S POV

Pagtayo ko nang hilahin ko 'yung kumot ang tanga ko lang naman dahil napatid ako. Plumakda lang naman ako sa sahig.

"Oy! Pangit, okay ka lang ba? Bumangon ka riyan," ani Ozu. Hindi siya makagalaw doon sa kinauupuan niya.

"Oh, o-okay lang ako. Hay, ang sakit na nga ng katawan ko lumagapak pa ako." Napanguso tuloy ako.

Ang sakit-sakit kaya!

"Bilisan mo na, kuhain mo na 'yung mga damit mo. Kuhain mo na rin 'yung boxer ko pati 'yung brie—hay—'wag na nga lang. Basta bilisan mo na!"

"Oo na!" Mabilis kong kinuha lahat ng mga damit ko.

Nang makuha ko naman 'yung boxer niya inabot ko agad 'yon sa kanya nang hindi ako tumitingin. "Oh!" Agad niya 'yung kinuha.

"Magtaklob ka na muna ng kumot at magbibihis ako. 'Wag kang titingin dahil patay ka sa akin," pagbabanta niya.

"Tch! 'Di ako mamboboso 'no!"

"Siya, magtaklob ka na."

"Oo na!"

Nang magtaklob ako ng kumot mariin kong inilagay ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nahihiya ako sa kanya.

"Sige na, ikaw naman ang magbihis. Maliligo muna ako," Nagmadali siyang pumasok ng banyo kaya tumakbo naman ako papuntang dressing room.

*****

Tinignan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin na nandito.

"Gumising ka Crystal Kim!" Halos sampalin ko 'yung mukha ko ngayon.

Ibig sabihin ba nito magkakababy na ako after nito? Parang wala pa sa itsura ko.

"Pangit!"

Nang bigla akong magulat nang tawagin niya ako mula sa labas.

"Ang bilis naman niya yatang maligo," sabi ko sa sarili ko. "Bakit?!" sigaw ko rin.

"'Yung tuwalya ko pakiabot! Nandiyan 'yon sa loob!"

"Ha? S-Saan ba rito?"

"Basta nandiyan lang 'yon pakihanap!"

"Hala! Saan ba 'yon dito nakalagay?" Halos halungkatin ko na 'yung mga gamit na nandito sa loob pero hindi ko talaga makita.

"Pangit, bilisan mo! Nilalamig na ako!"

Halos mataranta na ako. "Saan ba kasi 'yon dito?"

"Buksan mo nalang 'to. Ako na ang maghahanap!"

No choice ako kaya pinagbuksan ko na siya. Ayaw ko rin naman kasi siyang magkasakit.

Pero nang bumungad siya sa akin para akong hihimatayin dahil sa natatangi niyang kaguwapuhan at basang-basa niyang katawan.

Napalunok pa nga ako at bahagyang tumabi para makadaan siya.

Ang dami nang patak ng tubig sa sahig tapos 'yung kumot na nakabalot sa akin napapatakan na rin niya.

"Saan na ba 'yon napunta," kausap niya 'yung sarili niya.

Nang mapatitig ulit ako sa matipuno niyang katawan napakagat labi ako.

Oh Abs! Layuan mo ako!

"Nakita ko na," nakangiti siyang tumingin sa akin kaya napalihis naman ako. "Bakit hindi ka pa nakakapagbihis?" tanong niya.

"Ah, e, kasi pumasok ka rito."

Hindi siya sumagot pero tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang unti-unti akong nilalapitan.

"Hoy! Ozu Kang! A-a-ano ba!" bulyaw ko sa kanya.

Mukhang nakaisip siya ng kalokohan.

"Bastos!" sigaw ko sabay tulak sa kanya pero nakalimutan ko na nakahawak nga pala ako sa kumot na dala-dala ko kanina.

Nang mapagtanto kong nalaglag 'yon walang humpay akong sumigaw dahil hubo't-hubad akong nasa harapan niya ngayon.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon