Chapter 7

66.1K 2.2K 46
                                    

Chapter 7

OZU'S POV

Dahil sa pangti-trip ko kanina kay Pangit pilit ko siyang sinusuyo ngayon. Nakaupo siya sa sahig kaya tinabihan ko siya.

"I'm sorry," paghingi kong muli ng tawad pero hindi niya yata talaga ako magagawang kausapin.

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi ko alam kung anong pakiramdam mo sa ginawa ko kanina. I'm really really sorry, Pangit," hinalikan ko na lang siya nang mariin sa ulunan tapos tumayo na ako.

Kumuha ako ng damit at lalabas na sana ako nang bigla akong magulat dahil niyakap niya ako patalikod. Napangiti ako sa ginawa niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit nang humarap ako sa kanya.

"Kahit naman makita ko ang lahat ng 'yan mag-asawa naman na tayo 'di ba? Mahal na mahal kita, Pangit." Nakita ko ang pagtango niya kaya napangiti ako.

Nang mapatitig naman ako sa labi niya muli akong naakit na halikan 'yon kaya tinuloy ko na. Nang mapansin kong tumutugon siya tinagalan ko pa.



*****

BALAT'S POV

Bigla akong napatili nang ikuwento sa akin ni Best friend 'yung lahat ng mga nangyari sa kanila ni Ozu kanina. Hinahampas ko pa nga ang lamesa.

"Kinikilig ako~" Namimilipit ako sa kakiligan ngayon. "Ang sweet naman ni Papa Ozu."

Kinikilig din siya habang nagkukuwento. "Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko pagnagkita ulit kami. Nahihiya talaga ako sa kanya," kuwento pa niya sabay takip ng mukha.

"Ano ka ba best friend, wala naman na nga kasi talagang masama ro'n kung may mangyari sa inyo, kasi nga, mag-asawa na kayo."

Nilapit ko 'yung tainga ko sa tiyan niya. "Hello? May baby na ba riyan sa loob? Ako si Tita-Ninang Balat mo," masaya kong kinausap 'yung tiyan niya.






CRYSTAL'S POV

Natawa tuloy ako habang kinakausap ni Best friend itong tiyan ko. Nagmamadali masyado e kagabi lang naman may nangyari sa amin ni Ozu.

At sa tuwing maiisip ko naman 'yung mga sinabi kanina ni Ozu sa akin mas lalo tuloy akong na-i-inlove sa kanya.

Kinikilig tuloy ako. Ang sweet pala kasi niya.

"Oy! Best friend, sabi ko saan na kayo titira niyan ngayon?"

"Ha? Ah, hindi ko pa alam. Pero mamaya, aalis daw kami ng mga Ate."

"Ah, okay, pero maganda na rin kasing magbukod kayong dalawa ni Ozu 'di ba? At least, magagawa n'yo 'yung lahat ng gusto n'yo."

"Bruha ka!" bulyaw ko sa kanya. Alam ko 'yung ibig niyang sabihin do'n.

"Oh, bakit? Natural lang naman na 'yon 'di ba?

"Oo. Pero..."

"Pero?"

"Ah, wala naman."

"Naninibago ka 'no?"

"Gano'n na nga."

"Ano ka ba! Masasanay ka rin niyan."

"Hay, sana nga maging maayos 'yung pagsasama namin ni Ozu Kang."

"Siyempre naman at ikaw ang magdadala no'n."

"Sa tingin mo ba Best friend kaya ko 'yon?"

"Oo naman! Isa pa, mabait naman pati si Ozu. Tignan mo nga, ang sweet pala niya, yeee~" Sinundot niya ako sa tagiliran. "'Wag ka nang mag-emote riyan."

"Oo na!" Nagkangitian kaming dalawa.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon