Chapter 45

41.8K 1.3K 55
                                    

Chapter 45

KINAKABAHAN na naman ako ngayon dahil hindi ko makita si Crystal. Dahil sa sobra kong pagkataranta naihagis ko nalang kung saan ang bag at susi ng kotse ko at nagmadali akong bumaba patungong sala.

Wala siya sa kabuuang bahay namin.

Simula nang lumabas kami ng hospital tatlong araw na ang nakakalipas, hindi lang ito isang beses nangyari, pangatlo na.

Saan na naman ba siya nagpunta? Araw-araw nalang ba kaming ganito? Halos hingalin ako kakahanap sa kanya.

Patuloy akong nagdarasal na sana wala siyang gawin sa sarili niya. Ayokong habang buhay niyang pagsisihan 'yung mga kapalpakang nangyari sa amin dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari 'yon.

Please, Crystal, magpakita ka na! Nasaan ka na ba?

Kinakabahan na talaga ako.

Nang mapatingin ako sa bintana at matanaw ko ang dagat parang may nakikita akong tao ro'n dahil may gumagalaw sa tubig.

"Crystal?!" sigaw ko nang mapagtanto kong siya 'yon kaya nagmadali agad akong tumakbo lalo na nang makita kong lumubog na siya.

F*! Don't do this!




CRYSTAL'S POV

Masaya ako ngayong makakita ng mga bata na hindi ko mailarawan kung sino sila. Palayo sila nang palayo sa akin. Sinusundan ko lang sila pero—hindi ko maintindihan kung bakit tinatakbuhan nila ako palayo.

"T-Teka! Saan kayo pupunta?" hindi sila nagsasalita. Basta nakangiti lang sila sa akin at parang hinihikaya't nila akong sundan ko sila.

Hanggang dibdib ko na ang tubig dagat pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. "Hintayin n'yo ako! Please, hintayin n'yo ako! Maglalaro pa tayo 'di ba?" nakangiti pa rin ako dahil naririnig ko ang masaya nilang tawanan kaya nakasunod pa rin ako sa kanila.

Dalawang magkakambal na bata at ang cute nila kaya gustong-gusto ko talaga silang makalaro. "Please, hintayin n'yo ako." Inaabot nila ang mga kamay nila sa akin kaya pilit ko ring kinakapitan 'yon.

Tila nakikipaglaro talaga sila sa akin.

Atras abante nilang inaabot ang kamay nila hanggang sa hindi ko namamalayang parang kinakapos na ako ng hininga dahil nasa malalim na parte na pala ako ng dagat.

"Please, bumalik kayo! 'Wag n'yo akong iiwan," sunod ko pang sabi pero hindi na nila ako pinansin pa kaya tuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanila hanggang sa hindi ko na naaabot ang lupa sa dagat at tuluyan na talaga akong kinapos ng hininga.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon