Chapter 11

58.6K 2.1K 23
                                    

Chapter 11


Nandito kami ngayon sa sala at ginagamot ko siya dahil nga sa mga mantikang nagtalsikan sa kanya kanina. Pero ang nakakainis do'n bakit sa mukha pa? Sana naman 'wag 'tong maging peklat dahil mawawala 'yung kaguwapuhan niya.

"Aray! Aray! Ang sakit," angal niya habang pinapahiran ko ng gamot.

"Ozu Kang," mahinahon kong banggit sa pangalan niya habang nakapikit pa rin siya.

"Umh?"

"Dapat kasi sa susunod gigisingin mo ako kung may kailangan ka, ha?" Idinilat niya iyong mga mata niya sabay yuko.

"Nahihiya naman kasi akong gisingin ka kanina. Natutulog ka kaya," kinilig naman tuloy ako dahil sa sinabi niyang 'yon. "Ahm, salamat pala sa pagluto mo ng mga pagkain ko. Nag-enjoy talaga ako. Napakasarap ng mga 'yon."

Nakalihis lang siya ng tingin sa akin ngayon habang ako naman nakangiti ng palihim.

"Natural ko lang naman 'yung gawin 'di ba? Ang paglutuan ka," tumango lang siya at hindi na umimik pa.

Pagkatapos nito hindi ko na alam kung ano pa'ng sasabihin ko. Hindi na rin naman na kasi siya nagsasalita.

Pareho na kaming nakaupo ngayon sa sofa dahil tapos ko naman na siyang gamutin. Ang awkward nga lang ng feeling.

"Ah, manuod nalang tayo ng palabas sa TV," suhesyon niya kaya agad niyang binuksan 'yon. Pero binungad kami ng romance story na siya naming kinagulantang dalawa.

"IIilipat ko nalang," natataranta niyang sabi at dali-daling hinagilap 'yung remote samantala pinagpawisan ako ro'n.

"Hays, bakit ba ang pangit ng mga palabas ngayon," naiinis niyang sabi kaya pinatay niya nalang 'yon. "Wala man lang bang ibang paglilibangan dito?"

Pagkasabi niya no'n tahimik nalang ulit siya gano'n din ako.

Muling naging akward ulit 'yung feeling naming dalawa. Nang bigla siyang humikab at sinabi niyang inaantok na raw siya kaya tumayo na rin ako pagkatayo niya.

"S-Sige, mauna ka na sa taas. Maghuhugas muna ako ng plato." Pumunta agad ako ng kusina.

"Kailangan mo ba talagang gawin 'yan?" Sinundan niya pala ako rito.

"Oo naman. Maganda nang maging malinis tayo sa bahay natin." Kinuha ko 'yung apron ko at sinuot ko 'yon. Inumpisahan ko ng magligpit.

"Ako nalang gagawa niyan," ikinawkaw niya iyong mga kamay niya sa palangana na siya kong kinagulat.

"Ah, hindi na, kaya ko naman na 'to. Isa pa, inaantok ka na 'di ba? Saka, hindi ka naman marunong ng gawaing bahay?"

Nagkatitigan kaming dalawa nang sabihin ko 'yon.

"Tuturuan mo naman ako 'di ba?" napangiti ako sa sinabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na hindi tumanggi sa alok niya since nakikita kong may gusto siyang patunayan sa akin.

Tumango agad ako.

*****

"Pangit, ang sarap palang maghugas ng plato 'no? Isa pa, madali lang naman pala. Sa susunod pagluluto naman ang ituro mo sa akin, ha?"

Mas lalo akong naging masaya dahil sa sinabi niyang 'yon.

Sa estado ng buhay na mayroon siya, nakakatuwa lang malaman na interasado siya sa mga ganitong klase ng bagay para patunayan sa akin na karapat-dapat talaga siya bilang asawa ko.

Nakangiti ulit akong tumango sa kanya.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomWhere stories live. Discover now