Chapter 29

41.5K 1.4K 42
                                    

Chapter 29


CRYSTAL'S POV

Pagkatapos ng photoshoot ko agad kong kinuha ang cell phone ko para tawagan si Ozu. Pero pagtingin ko sa screen ng cell phone ko siya pala 'yung kanina pang tumatawag sa akin.

Bakit naman kaya?

Tinipa ko ang number niya saka ko siya tinawagan pero bakit hindi niya sinasagot? Naisipan kong puntahan nalang siya dahil tapos naman na ngayon ang trabaho ko.

Mabilis akong nagbihis at umalis.

*****

PAGKARATING ko rito sa Kang Tower agad akong bumaba ng kotse at naglalakad papunta sa office niya.

Kaliwa't kanan ang mga bumabati sa aking impliyado at binabati ko rin sila pabalik.

Nag-elevator na ako at ilang minuto lang nandito na ako sa tapat ng office ng asawa ko. Pero pagpihit ko sa doorknob para buksan ito, bakit nakalocked?

Pinilit ko pa ring binubuksan pero sarado talaga kaya nagtataka na ako.

Kinuha ko ang cell phone ko at tinawagan ang isa sa mga napagkakatiwalaan niyang tauhan dito dahil wala pa akong number nung bago niyang P.A para sana ayon ang matanong ko.

Nagriring sa kabilang linya pero wala pang sumasagot.




NANA'S POV

Nakangisi akong lumapit kay Ozu habang wala siyang malay. Napailing pa nga ako.

"Napakaguwapo mo pa rin talaga hanggang ngayon Ozu pero sayang—dahil hindi pa rin nagbabago 'yang ugali mo." Kinuha ko ang lipstick at naglagay ako ng sobrang kapal at hinalikan ko siya sa likuran ng kuwelyo ng polo niya.

Pero dahil nandito na rin lang ako, baka puwede ko na ring tikman anglabi niya. Napapatitig ako rito habang nakangisi.

Kaya lang napalingon ako sa pinto nang makita kong parang may nagbubukasnito kaya dali-dali kong pinulot sa sahig 'yung mga fake kong kolorete natinatapal sa mukha ko at pumasok na ako ng banyo.

Kailangan kong magmadali dahil baka mamaya si Crystal 'yon. Hindi niya ako puwedeng makita na ganito ang itsura ko.





CRYSTAL'S POV

"Ma'am Crystal, pasensiya na po sa paghihintay," sabi sa akin ni Kyle. Kinuha niya 'yung susi para buksan itong nakalocked na office ng asawa ko.

"No problem." tumango lang ako at nginitian ko pa siya. At nang mabuksan niya nga ito pinagmasdan ko ang buong kapaligiran.

Wala namang kahit sino ang nandito pero pagpunta ko sa sofa nakita kong nakahiga rito si Ozu kaya nilapitan ko na siya. Pinabalik ko na rin sa trabaho si Kyle kaya kaming dalawa nalang ngayon 'yung nandito.

Tinabihan ko siya at hinahaplos ang buhok niya. Palagay ko napagod siya sa trabaho niya ngayong araw kaya siguro nakatulog siya. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya ngayon habang natutulog.

Ang guwapo talaga ng asawa ko. Napangiti tuloy ako.

Nang bigla akong may marinig na nagbukas ng pintuan pero pagtingin ko roon wala namang tao. Napailing nalang ako habang nagtataka at binalewala ko nalang 'yon.

Hindi ko na siguro muna siya gigisingin para makapagpahinga siya. Kinuha ko naman 'yung paper bag na dala ko na may mga lamang pagkain para sa kanya. Inihanda ko ito para kapag nagising siya makakain niya. Tapos no'n pumunta naman ako ng table niya at chineck ko kung ano pa ba'ng mga dapat gawin dito para makatulong ako sa kanya.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon