Lihim 2: Chapter 24- Opisina..

Mulai dari awal
                                    

"Edwardo? You mean Edward, Mr. Barber? Do you have an appointment Miss?" May kasungitan nitong tanong.

Napatampal ako sa noo ko.

"Oo nga noh.. haist bakit di ko man lang naisip 'yon? Higpit pala nila dito." Bulong ko. Humarap ako sa mataray na ateng. "Miss pakisabi si Marydale Entrata ito.."

"Di wow! Kahit sino ka pa kung wala ka naman appointment please lumayas-layas ka na sa harapan ko. Nasisira mo lang magandang araw ko." May kaartehang sabi nito.

Tumawa naman ang dalawang kasama nito.

Nagbilang ako ng sampu sa isip ko, konti nalang makakasapak ako ng may magandang araw.

"Maymay?? Ikaw nga! Naks ang ganda natin ah.."

Lumingon ako tumawag sa'kin at napakunot-noo.

Sino ba timang na 'to? Close ba kami?

"Ouch! My heart.. Ako 'to ang pinakagwapo na isinilang sa mundong ibabaw, Ronnie.." proud na sabi nito.

Mas dumoble ang pagkakakunot-noo ko hindi dahil sa hindi ko pa rin siya maalala kundi sa mga pinagsasabi nito.

"Kyahhh morning sir Ronnie.." sabay-sabay bati nung tatlo na nakaassign sa may reception area.

"Morning girls.." bati naman nitong nagngangalang Ronnie, sabay kindat nito sa tatlong babae na ikinatili ng mga ito. Bumaling ulit sa'kin si Ronnie at ngumisi.

Hindi lang pala mahangin ang timang na 'to, malandi din.

"Maymay naman, nakakatampo ka! Ako nga tandang-tanda pa rin kita. Ako lang naman ang nag-interview sayo noon para makapasok ka rito bilang sekretarya ni bossing.." pagpapaalala nito.

"Okay.."

"Okay lang? Maymay naman oh! Teka nga, ano palang ginagawa mo dito? Nag-aapply ka ulit? Sorry hindi kami hiring ngayon, eh kung gusto mo, palitan ko na 'yong secretary ko tapos kaw nalang ipalit ko."

Akala ko mahangin at malandi lang ito, madaldal din pala.

"Talaga? Tanggal na ako boss?" Biglang singit ng kakarating lang na babae. Ang ganda niya at mukhang mabait. "Ayos! I'm free.." dugtong nung babae sabay talikod at naglakad palabas.

"Teka Juls! Anong tanggal?! bumalik ka dito!!" sigaw ni Ronnie. "Teka Maymay habulin ko lang ang tomboy na 'yon."

Tumalikod na rin si Ronnie at nagmamadaling lumabas ngunit may bigla akong naalala kaya agad-agad akong sumunod dito.

Tama siya ang access ko sa pagpunta ko sa itaas. Baka kapag sinabi kong girlfriend ako ni Edwardo sa mga ateng na masusungit baka tumawa lang ang mga 'yon at isipin nababaliw nj ako.

"Ronnie sandali.."  malakas na tawag ko na ikinalingon nito.

Mukha itong naluging Intsik dahil hindi naabutan ang sekretarya nito.

Lumapit ako dito.

"Haist tomboy talaga 'yon ang bilis mawala kaasar!" reklamo nito. "Oh Maymay wag mong sabihin na mag-aapply ka nga sa'kin. Naku wag muna, ang dami pang utang sakin ng tomboy na 'yon."

"Tsk! Wala akong balak mag-apply.."

"Ah oo nga pala.. modelo ka pala.. may mga ganito-ganito ka pang post na nalalaman." Sabi nito habang nagpoposing sa harapan ko.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Maymay talaga highblood. O kung hindi 'yon? Dadalawin mo siguro ang gwapong bossing natin noh?"

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang