Hudikatura

26 1 0
                                    

U N E D I T E D

---

Bagsak ang mga balikat. Pauwi na ako, bitbit ang isang latang sardinas. Matapos ang mahabang pakikipag-usap sa tindera, sa wakas, pinautang din.

Siguradong naghihintay na ang mag-iina ko at ang kumakalam nilang sikmura. Kailangan nang bilisan ang paglalakad. Gabi na.

Napahinto ako sa kanto.

Nanlamig. Nanlambot. Namutla.

Sumalubong sa'kin: dalawang lalaki at ang bulagtang katawan ni Isko. Si Isko, tulak daw ng droga. Purong haka-haka at duda. Kamakailangan lang, may nahuling protektor ng droga sa bayan. Isang malaking huli sa karagatan ng mga animal. Pinusasan. Inimbestigahan. Napatunayang maysala. Ikinulong. Pero sa kalagayan ni Isko, walang abu-abugado. Diretso sa hukom. Sa hatol.
Lumunok ako at naghandang tumakbo.

"Hoy!" sigaw ng isa.

Isang bala, sumalubong sa likod ko.

"Tatakas pa, ha. Malamang kasama 'to."

Inosente ako...

Nanghina. Napapikit.

Bukas, yayakapin ng naulila kong pamilya ang maling katotohanang ipininta ng sarili kong dugo.

Contest EntriesWhere stories live. Discover now